Netizens, nagreact sa pagpunta ni Mocha Uson sa isang unibersidad para suportahan ang mga Lumad

Netizens, nagreact sa pagpunta ni Mocha Uson sa isang unibersidad para suportahan ang mga Lumad

- Pumunta si Mocha Uson sa University of the Philippines upang suportahan daw ang mga Lumad

- Sabi ni Uson na suportado rin daw ng mga Lumad ang gobyerno

- Nag-react naman ang mga netizens sa pagpunta ni Uson sa unibersidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpunta si dating Presidential Assistant Secretary Mocha Uson sa University of the Philippines Diliman (UPD) kung saan naroon ang mga diumano’y grupo ng mga Lumad.

Nalaman ng KAMI na ayon sa Facebook live ni Uson ay napagalaman daw niyang naroon sa Quezon Hall ng UPD ang mga leader ng indigenous peoples (IP) at leaders ng Lumad kaya naman pumunta raw siya rito upang ipakita ang suporta niya.

“Syempre po, hindi po natin iiwanan ang mga katutubo natin kaya po nandito tayo at sinamahan natin sila,” giit ni Uson.

Giit ng mga diumano’y Lumad ay naroon sila upang hindi magprotesta, kundi ipakita ang tunay na pinagdadaanan nila sa ilalim ng mga komunista at rebelde. Nais daw nila ipakita sa mga taga-UP na mayroong gobyerno na sumusuporta sa kanila.

“Mula po rito sa UP, sa Quezon Hall, narinig po ninyo ang boses ng mga Lumad na sumusuporta po sa ating gobyerno at kailangang mawakasan na po itong mga ginagawang kasuklam-suklam na panggagamit sa ating mga Lumad nitong mga CCP at NPA,” sabi ni Uson.

Sabi ng isang representative nila, suportado raw nila si Pangulong Duterte dahil sa nais nitong wakasan ang pagpatay sa mga Lumad.

“Kayo ba sinusuportahan niyo si Duterte?” tanong ni Uson sabay sigaw ang mga ito ng “Duterte! Duterte! Duterte!”

Samantala, nalaman din ng KAMI sa Twitter ng UP Diliman University Student Council na tila nagprotesta rin ang mga estudyante ng UPD dahil sa pagpunta ni Uson sa unibersidad.

Umani rin ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens ang ginawa ni Uson. Narito ang ibang tweets nila:

Naiulat nga ng KAMI noon na nais subukan ni Uson ang buhay sa Kongreso. Nag-file ng certificate of nomination si Uson upang maging representative ng Kasosyo party list.

POPULAR: Read more news about Mocha Uson here!

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Was The First Woman To Travel Into Space? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel