Bumagsak na eroplano ng Lion Air sa Sumatra, may kargang 189 na pasahero

Bumagsak na eroplano ng Lion Air sa Sumatra, may kargang 189 na pasahero

- Nag-crash ang isang eroplano ng Lion Air at natagpuan daw ito sa isla ng Sumatra

- Naitalang 189 ang pasahero ng nasabing eroplano

- Kasalukuyang nagpapatuloy ang rescue operation sa insidenteng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma nga ng search and rescue agency ng Indonesia ang pagbagsak ng eroplano ng Lion Air, isang jet na Boeing 737 MAX 8, Flight JT610. Nalaman ng KAMI na ang ruta ng eroplano ay mula Jakarta papuntang Pangkal Pinang. Subalit, 13 minutes pa lang sila nakakalipad na may taas na 5,200 ay bumagsak na ito sa isla ng Sumatra ngayong Oktubre 29.

Base sa report ng Manila Bulletin ay 189 daw ang pasahero ng eroplano. May natagpuan daw na debris at upuan na pinaniniwalaang mula sa eroplano. Hanggang sa ngayon ay hindi pa masabi ang pinagmulan ng crash.

Samantala, patuloy naman ang rescue operation sa insidenteng nangyari. Kasalukuyang nasa Soekarno-Hatta International airport ang mga kapamilya ng mga diumano’y kasama sa trahedya.

Ayon sa Bloomberg, ito raw ang unang aksidente para sa model ng ganoong eroplano. Sinisigurado pa hanggang sa ngayon kung mayroon bang survivor sa nangyari o wala.

“We hope, we pray, but we cannot confirm,” sabi ni Muhmmad Syaugi, ang head ng seach at rescue agency.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naireport din ng Rappler na tila ilang insidente na ang nangyari sa mga air transport ng Indonesia. Isa na nga rito ang bumagsak na eroplano ng AirAsia noong 2014 na 162 katao ang binawian ng buhay. Noong June 2016 nga ay tinanggal ng European Union ang Lion Air sa kanilang air safety blacklist ayon sa report ng Manila Bulletin.

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Was The First Woman To Travel Into Space? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel