18 Cutest celebrity babies that you might want to follow on Instagram

18 Cutest celebrity babies that you might want to follow on Instagram

Heto ang mga celebrity kids na sa sobra nilang adorable ay nakakagiliw na at nakaka good vibes.

Kaya naman, naniniwala ang KAMI na, indeed, dapat silang ifollow sa kani-kanilang Instagram account para magkaroon ng positive vibes sa inyong feeds.

So, without further ado, heto na ang 13 popular celebrity babies na dapat ninyong ifollow sa IG.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Nala

Look at that cute smile, isn't she's just so adorable?!

Kamakailan lang ay nagtrending ang unica hija ni Mars Camille Prats dahil sa ginawang photo shoot nito para sa kanyang kaarawan.

Ginawa siyang si Princess Sarah, ang karakter ni Camille na talagang nagpasikat ng husto ng dating child actress.

2. Tali

Kung nanggigil kayo sa ka-cute-tan ni baby Tali nina Eat Bulaga Bossing Vic Sotto at Dabarkad Pauleen Luna Sotto, follow nyo na ang proud mom dahil hindi sya nauubusan ng mga super gigil photos ni baby Tali.

3. Kai

Hindi rin nagpapahuhuli si Kai sa ka-cute-tan, kaya kung gusto ninyong makita ang huli, follow niyo na ang IG accounts ng mommy at daddy niya.

4. Malia

If gigil much ka din kay baby Malia nina Pokwang at Lee O'Brian, follow mo na ang kanyang IG.

Yes, may sariling Instagram account si baby Malia malia_obrian, at ngayon, mayroon na siyang 174k followers.

5. Alas

Gigil-worthy din ang kagwapohan ng unico hijo nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Follow mo na accounts ng kanyang mga parents para makatanggap ng mga latest gigil-worthy pictures niya.

6. Amarah

Ang mini-me ni Cristine Reyes ay hindi din pahuhuli sa kanyang prettiness at ka-cute-tan like her mommy.

If you want to see more of her, follow nyo na si Cristine.

7. Zion

Si Zion ay naging instant online celebrity baby dahil sa kagwapohan nito.

Kaya naman kung gusto niyong makita pa ang more handsome face ng gwapitong little man na panganay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, follow nyo na ang dalawa.

8. Tres Marias Garcias - Michelle, Patrice, Pia

At kung happy kayo na makita ang 3 pretty little sisters na kilala na Tres Marias Garcias, ang 3 daughters ni Patrick Garcia sa asawang si Nikka Martinez, follow nyo na ang kanilang sariling account @michellepatricepia.

Ngayon, meron na silang 11.1k followers, at talaga namang ma gogood vibes ka sa mga napakapretty snaps nilang tatlo.

9. Connor

Kamakailan lang ay naifeature namin rin ang billionaire cutie na anak ni Maggie Wilson at Victor Consunji.

At kung gusto nyong makakita pa ng more na pics ng lalong gumagwapo nilang unico hijo, pwede nyong ifollow ang accounts ng mommy at daddy niya na @wilsonmaggie & @victorconsunji.

Ang kanyang @connorconsunji, sariling IG ay tila hindi na updated pero nandoon pa rin ang mga super cute at gwapong gwapong pictures niya.

10. Leon

Ang 2nd-month oldy baby nina Drew Arellano at Iya Villania ay lumalaki na rin at napakacute naman talaga nito.

Kung gusto ninyong subaybayan ang paglaki niya at makita ang nakakasmile sa heart na mga pictures niya, follow nyo na sina Drew at Iya.

11. Luna

Ang pretty youngest daughter nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay definitely star in the making rin dahil sa angking prettiness nito at kakwelahan.

If you want to see more of Luna's bibo moments at prettiness, follow nyo na IG nina Juday at Ryan.

12. Primo

Kung si Leon ay umaagaw na ng pansin sa social media, si Primo certified na certified na, na isa sa pinakafave celebrity babies ng online world.

Follow Iya Villania at Drew Arellano's Instagram accounts if you want to see more of Primo's pictures and videos.

13. Feather

Follow the IG account of Feather @featherprats, ang beautiful panganay nina Isabel Oli at John Prats.

Ngayon, mayroon na itong 181K followers.

14. Lucia

Kung fave niyo ang baby ni Bianca Gonzalez at JC Intal, follow na both of their accounts para magogood vibes kayo sa mga pics ni Lucia.

15. Isabella

If you want to see more of Isabella, ang baby nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, follow nyo na ang kanyang IG @mariaisabelladepadilla.

Meron na siyang 95.2K followers.

16. Zia

To see more of Zia's pretty at cute face, follow niyo na ang IG accounts ng mommy at daddy niya na sina Kapuso Primetime Queen and King, Marian Rivera and Dingdong Dantes.

Talaga namang artista in the making ang mini-me ni Marian.

17. Seve

Ang happy chumby ng mga Gonzaga at Soriano families na si Seve, na winner lang naman ng 2017 Celebrity Baby of the Year dahil umaapaw sa ka-cute-tan talaga ay waging wagi rin sa pampa good vibes ng mga netizens.

Kaya follow nyo na ang kanyang sariling account na @severianoelliott, na mayroon ng 809K followers.

Pwede nyo ring ifollow accounts ng mommy at daddy niya, pati sa kanyang tata, na sina Toni Gonzaga, Paul Soriano, at Alex Gonzaga dahil for sure marami rin kayong bagong makikita na mga pictures ng jet setter na baby na ito.

18. Scarlet Snow Belo

At ang most followed celebrity baby sa lahat at certified jet setter, Scarlet Snow Belo.

Isa pa itong nakaka good vibes sa kakwelahan, ka-cute-tan, at katalinuhan.

Kaya follow niyo na account niya kung hindi pa ninyon finafollow.

Una naming naispatan ang listahang ito sa Push.com.ph.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel