Duterte, nagkomento sa mga pusher na nasawi at bumwelta sa mga babaeng kritiko

Duterte, nagkomento sa mga pusher na nasawi at bumwelta sa mga babaeng kritiko

- Nagsalita na si Pangulong Duterte tungkol sa mga babaeng kritiko niya

- May bwelta naman ang chairperson ng Commission on Human Rights sa sinabi ni Pangulong Duterte

- May komento rin si Duterte sa mga naging biktima ng war on drugs

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita si Pangulo Rodrigo Duterte ukol sa mga babaeng patuloy ang pagiging kritiko sa kanya. Nalaman ng KAMI sa GMA News na tinawag ng Pangulo na “pangit” at “loka-loka” ang mga ito.

“Kaya magsabi 'yang mga babae, 'Ah Duterte anti...' Hindi lang ninyo alam, loka-loka, kasi mga pangit kayo. Pati 'yung ngipin ninyo malalaki. Hindi ako maghalik sa inyo. Pero kung maghalik 'yung babae kunin 'yung laway ilagay ko sa dila ko, lapitan ko sabi ko, 'Isauli ko sa iyo ang laway mo dagdagan ko ng akin dahil maganda ka,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Masskara Festival.

Giit ng Pangulo na siya lang ang tanging Pangulo na naging hostage victim noon.

“Iyong mga babae na ano sa Maynila, ano daw ako misogynist. Baka hindi pa ninyo naalala, I'm the only President — when I was mayor, I was a hostage victim,” sabi ng Pangulo.

May bwelta naman ang chairperson ng Commission on Human Rights na si Etta Rosales sa sinabi ni Pangulong Duterte.

“Kung gaano kataas ang presyo ng bilihin ngayon, ganun naman kababaw ang diskurso sa ilalim ni Duterte,” sabi ni Rosales.

“Imbes na pag-aksayahan ng oras ang pag-atake sa mga babaeng kritiko, mas kailangan ng lunas ng mga Pilipino mula sa pasakit ng taas-presyo," dagdag niya pa.

Giit ni Rosales ay gawin na lang daw ni Pangulong Duterte ang tungkulin niya.

“Mr. President, stop the non-sense ramblings. Araw-araw na lang. Magtrabaho ka naman,” sabi raw ni Rosales.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nalaman din ng KAMI na para kay Pangulong Duterte ay “carcass” o patay na hayop ang mga drug pusher na nasawi dahil sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.

“Drugs, it's not just because of a dead body there. For me if you ask me on national television that idiot there who's dead, who's a drug pusher, he's just a piece of carcass. Carcass lang 'yan sa akin,” sabi ng Pangulo ayon sa report ng CNN Philippines.

Sabi rin ng Pangulo na hindi daw siya magdedeklara ng martial law subalit ipagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa upang puksain ang problema ng bansa sa ilegal na droga.

“I will not declare martial law but just like what I'm doing, I will go for the strongest tools — political tools in my hand. Drug problem, it will remain the same especially if you are a drug lord, I would be happy to kill you. My God, I will be happy to kill you. Just don't f*** with my country,” ani ng Pangulo.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Was The First Woman To Travel Into Space? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kamag-anak ni Mayor, nang-bully sa mag-asawang kasama ang maliit na anak

Relative of Las Piñas Mayor caught bullying scared couple with 2-year-old child

Kamag-anak ni Mayor, nang-bully sa mag-asawang kasama ang maliit na anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel