Yam Concepcion, tinatawag na kung anu-ano dahil kay Jade sa Halik

Yam Concepcion, tinatawag na kung anu-ano dahil kay Jade sa Halik

- Bumisita ang pinakasikat na karakter sa telebisyon ngayon na si Jade sa Halik na si Yam Concepcion sa Magandang Buhay, kamakailan lang

- Sa naturang episode, ay ibinahagi niya ang mga "hate comments" umano na natatanggap niya bilang si Jade Bartolome sa naturang teleserye

- Hindi niya inakala na papatok ang kanyang karakter at ngayon puno lang siya ng pasasalamat pati na rin sa mga bashers dahil na rin napansin ang kanyang galing sa pag-arte

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman ng KAMI na bumisita pala sa Magandang Buhay ang pinakapatok at sikat na karakter ngayon sa telebisyon an si Jade Bartolome ng Halik, na pinagbibidahan ni Yam Concepcion.

Dito ay binahagi ni Yam ang mga natatanggap na mga hate comments dahil na rin sa kanyang role bilang si Jade.

Minsa pa raw, pinipersonal na siya dahil sa sobrang affected ang mga faney at tagasubaysubay ng kanilang show.

Gayunpaman, masaya siya dahil may mga love comments rin siyang natatanggap.

Mayroon daw nagsasabi na:

"I hate you Jade, but I love you, Yam."

Bumabawai naman daw din sa huli.

Dito rin ay napaamin ang aktres na hindi niya inakala na ganito ang pagtanggap ng kanyang karakter.

Ani pa niya:

“Hindi ko naman ineexpect na gano’n ‘yung reception na matatanggap namin sa show, with Jade especially. Nakaka-flatter kasi talagang parati kaming puyat, pinaghihirapan namin talaga, inaaral ko rin naman talaga ‘yung karakter ko. It’s nice that people appreciate it."

Hindi rin nagpahuli ang mga netizens sa pagcomment sa naturang balita sa Facebook page ng ABS-CBN.

"Ibig sabihin lang no'n na mahusay siya "
"Effective yung acting niya...Masyado mong ginalingan kasi Yam."
"Yam, sorry na bati tayo Sabado at sa Linggo pero sa Lunes pasensyahan na."

Una naming naispatan ang kwento sa Push at ABS-CBN News.

Kamakailan din ay ibinahagi namin ang pagka sobrang affected ng mga viewers kay Jade ng Halik.

Sobrang saya naman nila ng huling huli ni Lino sina Jade at Ace kaya hindi sila magkamayaw sa pagkokomento.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel