May forever beshy! 6 Pinay stars na nagmahal, nasaktan, at kinasal

May forever beshy! 6 Pinay stars na nagmahal, nasaktan, at kinasal

Heto raw ang mga sikat na mga artistang babae sa showbiz industry na nagmahal, nasaktan, at nakahanap sa wakas ng kanilang one true, everlasting love, at nag "I do" sa altar.

Sisilipin ng KAMI kung sinu-sino itong 6 Pinay stars na naibalita noon ang kwento ng kanilang pag-ibig na naputol dahil nagkahiwalay, nasaktan pero nag move on ng bongga at ngayon, happily married na at ang iba naman ay may mga mini-mes na o mga munting anghel na bunga ng kanilang wagas na pag-iibigan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya wag ng malumbay beshy at tapusin na ang pag-iyak at gawing inspirasyon ang mga kilalang Pinay celebs na ito na bumangon ng bongga at nakapag move on, at ikinasal sa kanilang one and only, ang kanilang forever.

1. Anne Curtis

Noon, nang initerview siya ni Kris Aquino sa The Buzz tungkol sa hiwalayan nila ni Sam Milby ay nasaktan at umiyak rin ang kanyang mga taga-suporta.

Pero ngayon, isang happily married na si Anne sa napakagwapong mister na si Erwan Heussaff at bongga bongga rin ang karera at negosyo.

2. Angelu de Leon

Ilang ulit rin napapabalita ang aktres na si Angelu de Leon sa mga nakakadate niya dati pero ngayon isang masayang mother of 3 ng dalawang magagandang dilag at isang gwapong anak na lalaki at misis na siya.

3. Heart Evangelista

Naging kontrobersiyal rin ang hiwalayan raw nina Heart Evangelista at Jericho Rosales noon, ayon pa sa Cosmopolitan.

Pero ngayon, pareho ng masaya ang dalawa sa piling ng kanilang mga forever.

4. Karylle

Isa rin sa napaka kontrobersiyal na hiwalayan ay ang kina Karylle at Dingdong Dantes.

Pero ngayon, isang masayang misis na siya.

4. Kaye Abad

Sa ulat ng ABS-CBN News, inamin umano ni Kaye na may isang break up daw siya na siya ang nasaktan pero hindi raw binanggit pa niya ang pangalan ng naturang lalaki.

Gayunpaman, blooming na blooming at very happy naman si Kaye ngayon kasama ang kanyang gwapong mister at ama ng kanyang baby na si Paul Jake Castillo.

5. Nikki Gil

Tila hirap makapag move on ang mga faney sa kontrobersiyal na break-up ng isa sa pinakahinahangaang showbiz couples noon na sina Billy Crawford at Nikki Gil.

Ngayon, super happy naman ang mother of one na si Nikki kasama ang kanilang unico hijo.

6. Rachelle Ann Go

Naguluhan umano si Rachelle Ann Go sa ending ng relasyon nila ni John Prats dati.

Ani pa sa balita ng The Filipino Times, sa text lang daw nakipaghiwalay ang aktor sa world class performer.

Pero ngayon super happy na si Rachelle Ann Go at napakagwapo naman talaga ng kanyang mister.

Una naming naispatan ang tungkol sa celebs na nasaktan pero nagmahal ulit sa GMA News Online.

Kamakailan lang din ay aming ibinahagi ang tungkol sa ibang istorya ng moving on! ng 9 beautiful Pinay na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Meet the lovely sister of Ruru Madrid, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel