Sekyu na sumubok umawat sa suntukan ng mga kabataan, binatikos pa ang pagtulong

Sekyu na sumubok umawat sa suntukan ng mga kabataan, binatikos pa ang pagtulong

- Viral ngayon ang video ng mga nagsuntukan na kabataan sa highway

- Isang security guard ang nagtangkang umawat sa rambulan kahit pa tinatayang nasa 6 na binatilyo ang nagsusuntukan

- Sa kabila ng pagtulong, nabatikos pa ang security guard

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang video ng nagrambulan mga kabataan sa tabi pa umano ng highway.

Tinatayang nasa 6 hanggang 8 ang mga binatilyo ang nagsuntukan at mga kasama pa itong mga babae.

Makikitang naka-uniporme ang mga kabataan nang walang habag silang nagrambulan sa daan.

Ayon sa ulat ng Abante, isang security guard ang nagtangkang umawat sa mga ito kahit pa marami ang mga kabataang nagkakagulo.

Maging ang matapang na sekyu ay nakatikim ng ilang suntok at marahil dahil dito, nagawa rin niya di umanong manuntok na rin upang maawat lang ang mga agresibong kabataan.

Mapapapansin sa video na halos makaladkad na rin siya at mabugbog ngunit ang ilang netizens di ito ang napansin.

Ayon sa ilan, di raw dapat nagpakawala ng suntok ang guwardiya na pag-awat lang ang ginawa.

Kung tutuusin naman ay di nga tumama ang mga suntok ng guwardiya at malinaw na kaya naman ito nagawa ay dahil di na paawat ang mga nagkakagulo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

" Bakit ganun tumulong na nga Yun guard dahil Lang SA suntok na Hindi tumama pinagtatawanan at binubully pa siya bumagsak din siya diba nasuntok din siya dapat kahit paano nagpasasalamat pa nga tayo Kasi kahit paano kahit naka duty siya at di nya tungkulin puntahan Yun mga nag aaway ginawa nya"
"Wag na kayung magaral sayang lang pinampapaaral sa inyo ng parents nio kasi dahil jan sa mga inasal nio daig nio pa walang natutunan.magaaway sa kalsada tlaga at pati umaawat eh isasali nio na.sana binaril kayu ni kuya sa paa ng magtanda kayu."
"Atleast si manong guard nandun agad kahit di nakikita sinusuntok ...mukhang nahilo si manong guard kaya d nkatama"
"Kawawa naman si manong guard.. Yung mga magagaling dyan.. Pinagtatawanan pa.. Ang sasaya nyo, anu ho?"
"Saludo ako kay kuya guard, dahil alam niyang well trained siya sa hand to hand combat, puro warning punch ang pinakawalan niya.Bilib ako sa mga ganyan, hindi basta banat ng banat. Kung sa pulis e warning shot muna. Kudos kuya guard!"

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel