Wedding Updates! Makisig Morales, nagbigay raw ng detalye sa nalalapit na kasal

Wedding Updates! Makisig Morales, nagbigay raw ng detalye sa nalalapit na kasal

- Ayon pa sa balita, tuloy na tuloy na raw ang magiging kasal ng dating Kapamilya child star na si Makisig Morales sa kanyang beauty queen girlfriend na si Nicole Joson

- Sa isang eklusibong panayam umano, nagbigay ng detalye si Makisig para raw sa paghahanda ng kanyang nalalapit na wedding

- Plano raw nila na magsettle sa Australia pero may plano naman daw sila bumalik sa Pinas para magtrabaho, kung may offer umano, ayon pa rin sa nasabing balita

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na naispatan ng KAMI, nagbigay umano ng update si Makisig Morales sa nalalapit niyang kasal kay Nicole Joson.

Ayon pa sa balita ng ABS-CBN News, napanayam umano ng Push ang aktor at sinabi rito na:

"After this trip dun muna ako sa Australia for a while. Pagpla-planuhan namin yung big day namin. Plano namin dun mag-settle dun talaga pero may plans din kami dito like may mga work din dito. Kukuha rin kami ng property dito para kahit papaano meron din kami titirhan dito."

Opsyon rin raw ng aktor na ipagliban ang showbiz pansamantala, matapos umano ikasal, dagdag pa sa balita.

Saad raw ni Makisig:

"Open ako for anything. Siguro pinag-iisipan ko pa pero I’ll probably move to Sydney kasi madaming job opportunities dun lalo na sa culinary kasi passion ko talaga yun eh. Masaya ako pag ginagawa ko yun. And if ever may job opportunity rin sa Philippines sa ABS-CBN willing ako umuwi."

Pagtatapos pa ng balita, sa June na raw next year ang plano ng aktor na pakasalan si Nicole Joson at simulan na rin raw ang buhay nila sa Australia.

Sa December, ipagdiriwang raw ni Makisig Morales ang kanyang 25th birthday.

Nakilala at sumikat ng husto si Makisig sa Super Inggo at ang huling teleserye na kinabilangan niya ay ang Bagani.

POPULAR: Read more news about Makisig Morales here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated Swimsuit model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated Swimsuit model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel