Pulis Maynila, rumoronda at nagtuturo sa mga batang lansangan na magbasa

Pulis Maynila, rumoronda at nagtuturo sa mga batang lansangan na magbasa

- Agaw eksena ngayon ang mga pulis na guro ng Maynila dahil sa pagtuturo nila sa mga batang lansangan

- Dala ang kanilang Mobile library, nag-iikot sa may Roxas boulevard ang ilang pulis na nagpapabasa sa mga batang lansangan roon

- Umani ng papuri ang ngayon ay viral nang mga larawan ng pulis na binahagi ng Philippine Star

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral na ngayon ang mga larawan ng mga Police officers ng Manila Police District Mobile Force Battalion dahil sa kawanggawang ginagawa nila sa mga batang lansangan.

Ayon sa ulang ng Philippine star, nag-iikot ang Mobile library ng mga pulis Maynila at nagtuturong magbasa sa mga batang lansangan sa may Roxas boulevard.

Ito kasi ang lugar kung saan madalas makita ang mga out-of-school youth na pagala gala lamang at hindi makapasok sa paaralan dahil sa iba't ibang kadahilanan.

Tinawag nila ang programang ito na "Ang Guro kong Pulis" na inilunsad noong Oktubre 26.

Napakagandang proyekto nito na naglalayong matulungan ang mga batang lansangan na makapagbasa gamit ang mga aklat sa Mobile library.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Labis na hinangaan ang proyekto na ito ng Pulis Maynila na umani ng papuri sa mga netizens. Narito ang kanilang mga komento:

"I salute po s nkaisip nito. Mlaking tulong s mga bata ito n mas mtuto png mgbasa"
"Nice one. sana tuloy tuloy lang"
"Brilliant idea Mobil library love it"
"Good job to all of you..god bless ..ipagpatuloy yan pra wla nang mapariwara na bata"
"Best news so far!"
"Kudos to this wonderful project. I hope this can be replicated to other places in the Philippines."

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica