Lalaking nawalan ng mata at ilong, kinatakutan daw; pamilya nito, naghinagpis

Lalaking nawalan ng mata at ilong, kinatakutan daw; pamilya nito, naghinagpis

-Dahil sa sakit na skin cancer, kinailangang tanggalin ang isang mata at ilong ng isang 65-taong gulang na lalaki

-Ngunit hindi pa natapos doon ang paghihirap nito, isang insidente ang nagpaiyak sa matanda nang isang manager sa isang convenience store ang nagpaalis daw dito dahil natatakot daw ang mga customers nito

-Dahil dito, isang open letter ang isinulat ng kanyang anak na babae na lubos na nasaktan sa nangyari sa ama na naging dahilan ng isang magandang pangyayari sa kanilang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilabanan at naka-survive sa sakit na skin cancer si Kirby Evans. Ngunit dahil din sa sakit na ito, kinailangang tanggalin ang isang mata at ilong niya.

Hindi rin umano ito makapaglagay ng eyepatch dahil masyadong sensitibo ang balat na nasa paligid ng mata niya.

Nakayanan ni Evans ang makalaban sa sakit na cancer kaya naman minabuti daw nitong tanggapin ang bagong mukha.

Ngunit isa umanong pangyayari ang nagpaiyak sa kanya.

Habang kumakain si Evans sa labas ng isang convenience store, nilapitan daw ito ng manager, at ayon kay Evans ay hinatak daw siya sa kanyang damit papunta sa opisina nito.

Ayon daw sa babaeng manager, tinatakot daw ni Evans ang mga customer nito. Sinabi pa raw nito na takpan niya ang kanyang mukha at umalis sa lugar na iyon.

Kwento ng anak ito,

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“She told him ‘If he was going to eat in here, he would have to cover his face. He left and went home in tears to tell me what happened.”

“It hurt deep inside,” ani Evans. “I’ve never been treated like that. Never.”

Dahil dito, isang open letter ang isinulat ng anak nito at ibinahagi sa facebook. Sa post na ito, nag-comment pa ang nasabing manager at sinabing wala itong choice kundi ang paalisin si Evans dahil natatakot daw ang mga customers dito.

Bilang tugon, isa umanong empleyado nito ang nag-resign on the spot.

At maging ang manager ay hindi na rin nakita dahil sa pagkalat ng issue sa publiko.

Dahil na rin sa kapangyarihan ng social media, marami ang tumugon sa sitwasyon ni Evans at nakalikom ng pera para sa recontructive surgery nito.

Sa loob lamang daw ng apat na araw ay nakalikom na ng $74,000 na tulong para kay Evans.

“I’m telling you what, I didn’t know there’s that many people out there that cared,” anito. “But there are. They’re out there. Everywhere.”

Source: Newsner

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel