Surpresa ng sikat na NBA team sa isang birthday boy na di sinipot ng mga kaklase, tinupad na

Surpresa ng sikat na NBA team sa isang birthday boy na di sinipot ng mga kaklase, tinupad na

- Nag-viral ang kwento ni "Teddy" na di sinipot ng mga kaklase sa kanyang birthday celebration

- Napansin ng isang NBA team ang masaklap na nangyari sa

- Tinupad na ng Phoenix Suns ang surpresa na nakapagpasaya ng husto sa isang batang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumabas na ang mga larawan ng batang si Teddy Mazzini na muling nag-celebrate ng kanyang kaarawan at ngayon kasama na ang NBA team na Phoenix Suns.

Sa naunang naibalita ng KAMI, nagviral ang post ng ina ni Teddy na si Sil Mazzini kung saan wala manlang ni isa sa 32 na mga kaklase ng birthday boy ang sumipot.

Marami ang napukaw na puso ng post na ito na makikita ang lungkot ng bata sa larawan na maging ang NBA team na Phoenix Suns ay napansin ito.

Dahil dito, nakatanggap ng imbitasyon si Teddy na manod ng laro ng nasabing basketball team at doon magdiwang kasama ng mga libo-libong manonood doon.

Oktubre 25 nang isakatuparan ng team ang surpresa kay Teddy. Binigyan siya ng personalized jersey ng team na may nakalagay na pangalan niya.

Ayon sa ulat ng Rappler, ito raw ang unang pagkakataon na makapanood ng 6 taong gulang na bata ng live NBA game.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakilala at nakahalubilo ni Teddy ang NBA players na sina Trevor Ariza at Josh Johnson.

Matapos din ang viral post ng ina ni Teddy, bumaha ng mga pagbati sa kanya.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel