Nakaka proud! Marcelito Pomoy, nag guest sa Ellen DeGeneres Show

Nakaka proud! Marcelito Pomoy, nag guest sa Ellen DeGeneres Show

- Ibinahagi ni Marcelito Pomoy na nag guest siya sa sikat na The Ellen DeGeneres Show

- Naging trending kasi ang kanyang videos sa Youtube dahil sa mga nag re-react sa kanyang pagkanta

- Bihira ang kanyang talent sa pagkanta na kaya ang boses pambabae at panlalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng singer na si Marcelito Pomoy ang kanyang guesting sa The Ellen DeGeneres show. Sa isang Facebook post ay ibinahagi niya ang trailer ng isang episode ng nasabing show na nakatakda daw ipalabas sa October 29, California time.

Sumikat si Marcelito dahil sa nakakabilib niyang talento sa pag-awit. Kaya niyang kumanta na boses lalaki at babae na parang natural.

Higit pa roon ay malawak ang range ng kanyang boses. Kaya naman, hindi nakakapagtaka ang mga reaction videos sa kanyang pagkanta. Gulat na gulat ang mga banyaga nang marinig siya.

Narito ang ilan sa mga reaction videos sa kanyang performance.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kilala ang Ellen DeGeneres Show sa pagpapakita ng iba't-ibang talento mula sa iba't-ibang panig ng mundo at mga nag viral na mga tao sa social media o YouTube.

Matagal na rin inasahan ng mga netizens na maiguest si Marcelito sa nasabing show kaya hindi na ito ikinagulat ng iba. Gayunpaman, proud sila at masaya para sa singer.

Tubong Bislig City, Surigao del Sur si Marcelito na ipinanganak sa Imus Cavite. Nakulong ang kanyang ama noong maliit pa siya at pumunta ng Maynila ang kanyang ina kaya naiwan siya sa kanyang mga kapatid. Kinalaunan ay inampon siya ng isang pulis at kinailangan niya din maghanapbuhay kahit noong siya ay binatilyo pa lamang.

Una siyang sumali sa Talentadong Pinoy ngunit hindi siya pinalad hanggang sa sinubukan niyang sumali sa Pilipinas Got Talent kung saan siya nanalo.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Angel Locsin reportedly walked out during 'The General's Daughter' taping

Angel Locsin reportedly walked out during 'The General's Daughter' taping

Angel Locsin reportedly walked out on the set of 'The General's Daughter'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel