OFW na inutangan ng "kaibigan", galit na sinabihang di na siyababayaran nito

OFW na inutangan ng "kaibigan", galit na sinabihang di na siyababayaran nito

- Binahagi ng OFW na si Renalyn Ical kung paano siya pinalabas na masama ng kaibigang inutangan siya

- Di pa raw bayad ang kaibigan kay Renalyn, humihiram muli ito at magbabayad daw "pagdating ng panahon" at di na raw siya babayaran

- Nang di mapagbigyan ng OFW, nagbagsak pa ng masasakit ng salita ang "kaibigan"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng OFW na si Renalyn Ical kung paano siya nagdamdam sa isang kaibigan niyang naghihiram umano sa kanya ng pera.

Sa FB post ng OFW, makikitang sa umpisa pa lamang ng usapan ay nasabihan na agad siya ng "suplada" dahil lamang sa di siya naka-reply agad.

Paliwanag ni Renalyn na busy lamang siya kaya di niya nasagot agad ang "pangngumusta" ng di niya pinangalanang kaibigan.

Di na nagpaligoy-ligoy pa ang kaibigan at nais pala nitong mangutang kay Renalyn. Di pa man bayad sa naunang nahiram ang kaibigan ng OFW ngunit nanghihiram na naman uli ito sa kanya.

Ang isa pang problema, tila wala pang kasiguraduhan kung kailan niya ito mababayaran dahil sa mga katagang "pagdating ng panahon."

Pabiro ngunit di na napagbigyan ni Renalyn ang kaibigan dahil sa mayroon din siyang kailangang bayaran.

Matapos ang reply na ito ni Renalyn, dito nagbagsak na ng di magagandang salita ang "kaibigan" dahil lamang di siya napagbigyan nito.

Lumalabas na parang si Renalyn pa ang masama sa di pagpapahiram muli nito sa kaibigan. Ang matindi, sinabi pa ng "kaibigan" na ito na di na niya babayaran pa ang nautang kay Renalyn.

Aminado si Renalyn na sumama ang loob niya sa kaibigan kaya naman nagawa niyang i-post ang kanilang pag-uusap.

Sa post, pinayuhan ng OFW ang kaibigan na magbanat ng buto para di na mang-abala pa ng ibang tao na nagsusumikap din namang magtrabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, maging ang mga netizens ay di rin natuwa sa nangungutang na kaibigan ni Renalyn. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kapal naman ng mukha siya pa yung mangungutang tapos pag d pinautang kung anu2x pinagsasabi, bwesit ka! Nakakapang gigil ka animal ka! Akala mo naman pinupulot lang yung pera sa abroad! Bakit d mo subukan mag abrod pra malaman mo rin yung hirap ng kaibigan mo sa abroad!Tumaas dugo ko!"
"Kapal ng mukha ah..yan ang wag mo na pauulitin..tama na ung naka isa na sya ng utang.."
"Kapal ng pagmmukha nya...kupal xa.hindi pa nga xa bayad sa utang nya mangungutang uli...walang maipautang gnun ssabihin nya...hai naku...ayaw kc magtrabaho tapos xa pa ang may gana magbunganga...grabe hindi xa tao...salamangkera xa...putakti...anay- anay xa"
"Sana di muna Tinakpan Para mapahiya nman cxa. . Di kita kilala sis pro subra nman yan .. akala mo Kung sino ehh . . Cxa pa yung nangungutang cxa pa galit .Kapal ng mukha nya ha.try niya rin kaya mag abroad Para Alam nya Kung gaano kahirap kumita ng pera tpos uutangin lng nya. ... Kapal. Muks!"
"Hai nako akala nila namomolot lng ng pera dto sa abroad lahat ng pgtitiis nararanasan pra makamit lng mithiin pra sa pamilya"

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata para sa mga kasambahay

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel