Jasmine Curtis-Smith, tila ibinunyag ang diumano'y rason na 'di nabubuntis si Anne Curtis

Jasmine Curtis-Smith, tila ibinunyag ang diumano'y rason na 'di nabubuntis si Anne Curtis

- Sa isang panayam, kamakailan lang, ng bagong Kapuso aktres na si Jasmine Curtis-Smith, may naibahagi raw siya tungkol sa diumano'y rason na 'di pagkabuntis pa ng kanyang ate Anne Curtis

- Naitanong daw sa kanyang kung ano ang best advice niya para sa It's Showtime host at dito raw ay tila naibunyag niya ang "contributing reasons" diumano sa 'di pagkababy ng huli

- Ayon pa sa Pamilya Roces actress, workaholic daw si Anne at parang walang oras na magpahinga dahil sobrang busy sa trabaho

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman ng KAMI na tila naisiwalat ni Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith ang diumano'y rason kung bakit hindi pa raw nabubuntis ang kanyang ate na si Kapamilya star Anne Curtis.

Tinanong umano ang Pamilya Roces actress kung ano raw ang "best advice" na maibibigay niya sa kanyang ate Anne Curtis.

Sumagot naman daw ang award-winning actress na:

“Ako sa kanya? More of ano, more of personal na, 'Can you rest? Take rest,’ kasi addict siya sa trabaho.”

Dito na tila nabuo ang ispikulasyon ng mga reporters o press people kung bakit hanggang ngayon raw ay hindi pa nabubuntis umano ang It's Showtime host na si Anne Curtis.

Pagpatuloy na pahayag ni Jasmine daw:

“Oo, para may time na magka-family. I want her to take more resting days."

Tila nga yata hindi nabubuntis si Anne dahil sa sobrang kabisihan nito umano sa trabaho.

Dagdag pa raw ng Kapuso actress:

“Alam ko namang impossible yun dahil araw-araw ang It’s Showtime."

Pagtatapos pa na pagbahagi ni Jasmine Curtis-Smith tungkol kay Anne:

"Para naman ma-absorb niya yung self niya kahit for one day na hindi Anne Curtis the Star, but just Anne Curtis the wife, Anne Curtis as who she is.As a woman, and as a sister, as a daughter, kaka-miss din to spend time with her.”

Ikinasal si Anne Curtis kay Erwan Heussaff noong November 2017, halos isang taon na rin.

Una naming naispatan ang trending topic na ito sa Manila Rush, na nakuha naman nila raw sa Chika Blockbuster channel sa YouTube.

Sa pagpananaliksik namin tungkol sa balitang ito ay aming napag-alaman na ito pala ay galing sa interview ng PEP sa nakakabatang kapatid ng It's Showtime host.

Napanayam nga ng naturang source media outlet ang bagong Kapuso star na si Jasmine Curtis-Smith sa presscon ng evening primetime series ng GMA ang Pamilya Roces.

Ang naturang interview ay naganap noong October 3 sa Quezon City, sa Prime Hotel.

Tumugon naman si Jasmine Curtis-Smith tungkol sa pagkokompara sa kanila ng kanyang ate Anne Curtis.

Sa nasabing event ay naibahagi rin ni Jasmine ang kanyang special hiling sa unang proyekto n GMA.

POPULAR: Read more news about Jasmine Curtis-Smith here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sara Duterte drives motorcycle from Ilocos Norte to Isabela for HNP’s campaign rally

Sara Duterte drives motorcycle from Ilocos Norte to Isabela for HNP’s campaign rally

Sara Duterte drives motorcycle from Ilocos Norte to Isabela for HNP’s campaign rally
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel