Mariah Carey, na-experience rin ang traffic sa Manila

Mariah Carey, na-experience rin ang traffic sa Manila

- Nabiktima rin ng traffic sa Manila ang award-winning singer na si Mariah Carey

- Ibinahagi ni Carey sa social media na tila na-stuck nga siya sa traffic

- Nagreact din naman ang mga netizens sa nangyari kay Carey

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila pati ang singing sensation na si Mariah Carey ay nabiktima rin ng traffic sa Manila. Ibinahagi ni Carey ang kanyang experience sa social media.

Nalaman ng KAMI na naipit si Carey sa traffic noong papunta na siya sa venue ng kanyang concert na gaganapin ngayong October 26, 2018 sa Araneta Coliseum.

Sa kanyang Instagram story, sabi ni Carey, “Stuck in traffic in Manila!”

Mariah Carey, na-experience rin ang traffic sa Manila

Nagpost din si Carey ng kanyang excitement upang magperform muli sa harap ng kanyang Filipino fans. Nagbahagi rin siya ng mga behind-the-scenes footages habang naghahanda para sa kanyang concert.

Mariah Carey, na-experience rin ang traffic sa Manila

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagreact naman ang mga netizens sa post ni Carey na ito. Narito nga ang komento nila mula sa Facebook page ng GMA News:

“Philippines is one of the Seven Wonders of Cars Traffic! Welcome I hope you enjoy your traffic adventure”
“Welcome to Manila traffic Jam Mariah Carey. Sana nag helicopter ka nlng
"sorry for inconvenience in road but don't worry you will arrive"
“sa traffic walang exempted....”
“Wow Amazing!! your country has so much great talent, i am planning to visit philippines this coming vacation and hope to find my soulmate in your country and we Try the Traffic Adventure greetings here from newyork cubao.”

Nauna na ngang ibinalita ng KAMI na dumating sa Pinas si Carey noong October 25 mula Shanghai, China gamit ang isang private plane. Kasama niya rin ang kanyang anak na kambal na si Moroccan at Monroe pati na rin ang boyfriend niyang si Bryan Tanaka.

Nakilala si Carey sa kanyang mga hit singles na “Always Be My Baby”, “Emotions” at “We Belong Together”. Ilang beses na rin siya nanalo ng Grammy awards at siya ay tinaguriang Songbird Supreme ng Guiness World Records.

Philippines Social Experiment: Borrowing Money From Strangers Part 2 – “I need help! I lost my wallet and need money for transportation.” See how Filipinos react to such a request. Watch the part 1 of this experiment – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel