Huling huli! Netizens, hindi magkamayaw sa kanilang reaksyon sa Halik

Huling huli! Netizens, hindi magkamayaw sa kanilang reaksyon sa Halik

- Nakakawindang ang buhos ng reaksyon ng mga netizens na mga avid viewers ng Kapamilya primetime series na Halik

- Sobrang effected ang mga netizens lalo na't nahuli na ni Lino, ang papel na ginagampanan ni Jericho Rosales, si Jade(Yam Concepcion) na nakipaghalikan kay Ace (Sam Milby)

- Dumagsa ang mga naiinis at na hahigh blood na mga tagasubaysubay ng naturang teleserye dahil na rin sa nakakagigil na mga eksena nito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Trending na naman ang teleseryeng Halik ng ABS-CBN dahil na rin sa mga nakakagigil na mga eksena ng pangangabit nina Jade at Ace, na ginagampanan nina Yam Concepcion at Sam Milby, respectively, at ngayon lalong tumititindi ang mga eksena dahil nahuli na ni Lino (Jericho Rosales) ang dalawa.

Spotted nga ng KAMI na nagviral na naman ang agaw-eksena na halikan ng mga taksil na sina Jade at Ace.

Kahit sino naman sigurong mister o misis na makakita na ang iyong minamahal ay nakikipaghalikan sa iba ay talaga namang grabe ang sakit nito.

Kaya naman talagang sobrang affected ang mga manonood sa naturang episode at dumagsa sa Facebook page ng ABS-CBN, kung saan una naming naispatan ang nakakaaliw at exciting na reaksyon ng mga fans sa Halik, at doon ibinuhos ang sakit, galit, at panggigil ng mga faney.

"hahaha inulit ko un eksena nanginginig na naman ako wahahaha"
"wahahaha nanggigigil ako"
"dto kay jade ako na ha hayblad! sa dalawa na yan!!! aatakihin na ko sa puso sa dalawa na yan!"
"Ramdam ko yung pagka heart break ni Lino. pero congrats sa lahat ng cast ang gagaling nilang lahat"
"How does it feel nuh makita mo asawa mo nakikipag halikan sa iba.Mashakit ba Lino Mashakit ba? diba yan din Ginawa mo kay Monica noon? Knock Out si Ace Corpuz."

"Speechless!! Basta ang sabi lang ng mama.ko Dapat E camera(vinediohan) ni lino na nghalikan c ace at jade pra hndi makulong."
"Galing ni echo,lalo na ung emotion nya, mula nung nagtitimpi sya hanggang sumabog na yung galit nya....natural na natural ung acting..."
"Ako pa ng gigil na ako sa inyo dlaw ni ace jade ha!? Sakit na ng ulo ko? pag ako nag ka sakit papagamot ninyo ako? nakakagigil na tlga kau dlawa?"
"One of the best teleseryes! From 1 to 10, i give you 10 . Thumbs up! Keep it up guys..."
"yung baby ko naninipa sa tyan ko .gusto atang sipain c ace at jade ee. ahahaha"
"bakit kase hinde mo ipa tulfo yang si ace at jade na yan lino tyak pag lumapit ka kay tulfo ma22lungn ka nila qng kailangn mo ng testigo andito kame mag testigo laban sa dalawa na yan ka bwesit na tlga..."
"lino sabihan mo ako kung anong police station ka.. handa ako tumestigo.."
"Tinulongan ko si lino na bugbugin si ace sabay tadyak kay jade..ayon wasak ang 32 inches na tv..napaisip tuloy ako kung san ako kukuha pambili ng tv..hoy abs cbn kasalanan nyo to palitan nyo tv ko.."

Tila sobrang hot topic nga ang teleseryeng Halik ng Kapamilya network at sobrang affected talaga ang mga netizens, lalo na kay Jade na ginagampanan ni Yam Concepcion.

Kamakailan lang ay ibinahagi namin ang nakakawindang na mga eksena ni Jade Bartolome na talagang react ng todo ang mga viewers sa sobrang inis.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel