Sayang si Kuya! PWD vendor sa Quiapo, ginulat ang mga netizens sa angking talino

Sayang si Kuya! PWD vendor sa Quiapo, ginulat ang mga netizens sa angking talino

- Hinangaan ng mga netizens si Mang Arturo Quiroz, vendor ng religious items sa Quiapo

- Nakatapos ng Commerce major in Business Administration si Mang Arturo ngunit dahil daw sa kanyang kapansanan

- Sana raw nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang kagaya ni Mang Arturo na may angking talino na maaring magsilbi sa ating bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng panayam sa isang PWD vendor na si mang Arturo Quiroz na taga Quiapo.

50 taong gulang na sa si mang Arturo at nagtitinda siya ng mga religious items sa Quiapo sa loob ng 15 taon.

Ayon sa kwento ni mang Arturo namana raw niya sa kanyang ina ang pagbebenta ng mga religious items at kahit na paano ay maayos naman daw ang kanyang kinikita.

Ang nakamamangha kay mang Arturo ay ang angking talino niya na sumisingaw talaga sa pakikipanayam sa kanya.

Nagtapos pala siya ng kursong Commerce major in Business administration.

Sakitin si Mang Arturo at nang maturukan siya noong sanggol pa lamang, may tinamaan raw na ugat na naging sanhi ng di na niya paglakad.

Napag-alamang presidente si Arturo ng mga PWD sa Quiapo. Katunayan, ang mga katabing hilera ng stalls ay puro PWD.

Maagang nagsisimula ang araw ni Arturo at natatapos ng 8 ng gabi

Sa pangalawang bahagi ng panayam kay mang Arturo, dito mas kahanga-hangang nilabas niya ang mga nalalaman niya sa mga karapatan nilang "person with disability"

"We do not need pity, we need an opportunity!" paniniwala ni mang Arturo.

Mahirap daw kasing maging PWD dito sa Pilipinas. Kung ikaw ay may kapansanan, ang una mo pa raw kalaban ay ang iyong pamilya.

Lalo na raw pag mahirap lamang ang PWD, kung hindi tinatago ay kinukutya sila at pag di pa nakatapos mapipilitan na lamang na mamalimos

Katwiran niya, kung ang mga maayos nga ang pangangatawan ay di makakuha ng trabaho, ano pa kaya raw ang mga kagaya niyang may kapansanan.

Tiningnan rin ni Mang Arturo ang Magna Carta for PWDs, ang pagbibigay daw ng patas ng oportunidad sa mga kagaya niya.

Sabi niya, 5% daw ng workforce ng gobyerno ay PWD kaya dapat na may trabaho talagang nakaabang sa kanila na sa kasamaang palad ay di nila maramdaman.

Sa PCSO kung saan kawanggawa na sana ang pinaiiral, walang PWD.

Nakalulungkot lamang daw isipin na di ito napapatupad ng gobyerno.

Samantala, labis na hinangaan ng mga netizens si mang Arturo sa pagbubukas ng ng kanilang kaisipan patungkol sa sitwasyon ng PWD.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"you guys opened not only Mr. Arturo's door but also his fellow PWD's door for wider understanding on how or what kind of help they need into our Society. Salute"
"I’ll pray for the PWD. Pray for me too to be a successful man, and I will directly help the PWD. I’m gonna look for you mang Arthuro when I visit Quiapo church ,see you soon god bless...."
"One of the most sensible videos i've watched so far"
" kakahiya ang ibang pulitiko lalo na ang mga senador na walang alam sa batas..mas mataba pa ang utak ni kuya pwd kesa sa inyo!"
"This is something worth watching for and worth sharing for.. Shout out to the philippine government, I hope you should hear the voices of the PWDs."
"hindi ko inexpect. tnx beh! God bless! "
"In the Philippines people with physical disabilities are not given opportunities to work even though they are degree holders... dito sa US kahit disable ka basta you are willing to work and plus may degree ka swak may trabaho ka..."

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica