Babaeng anak ni Steve Jobs, may mga mabigat na akusasyon laban sa sarili niyang ama

Babaeng anak ni Steve Jobs, may mga mabigat na akusasyon laban sa sarili niyang ama

- Isiniwalat ng anak ni Steve Jobs na si Lisa Brenann-Jobs ang kanilang pinagsamahan sa pamilya

- Tila may pinagawa raw na “awkward” ang ama sa kanyang anak

- Napatawad naman daw ni Lisa ang kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakilala si Steve Jobs dahil sa pagiging genius sa likod ng sikat na Apple company kung saan naging tampok ang mga gadgets na Mac, iPhone at iPod. Subalit, tila hindi rin naging perpekto ang kanyang buhay. Pumanaw si Jobs noong October 5, 2011 dahil sa pancreatic cancer sa edad na 56.

Nalaman naman ng KAMI sa report ng USA Today na noong una ay tinatanggi ni Jobs na anak niya si Lisa Brennan-Jobs kahit na match ang DNA nila. Umabot na nga ang issue sa pagsampa ng reklamo laban kay Jobs dahil sa child-support. Ilang taon ang lumipas bago natanggap ni Jobs ang anak ay sumama nga si Lisa sakaniyang ama at step-mother na si Laurene Powell-Jobs.

Babaeng anak ni Steve Jobs, may mga mabigat na akusasyon laban sa sarili niyang ama

Photo from New Yorker
Source: Facebook

Nitong September 2018 nga ay nag-publish ng libro si Lisa na “Small Fry”, kung saan kinuwento niya ang pagiging anak ni Steve Jobs. Naibalita naman ng Fabiosa na tila hinayaan ni Jobs si Lisa namanood habang nakikipagtalik ang ama sa kanyang asawa.

Babaeng anak ni Steve Jobs, may mga mabigat na akusasyon laban sa sarili niyang ama

Photo from Macrumors
Source: Facebook

"Pulling her in to a kiss, moving his hand closer to her breasts, and up her thigh, moaning theatrically,” sabi raw ni Lisa.

Noong sinubukan namang umalis ni Lisa, sabi raw ng ama, “Hey Lis, stay here, we’re having a family moment, it’s important that you tried to be part of this family,” kaya naman daw nanatili siya doon kahit narirnig niya ang halinghing ng mag-asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Giit naman ni Lisa na hindi siya natakot sa ama, “awkward” lang daw talaga ‘yung insidente para sa kanya. Samantala, binalita naman ng Newshub na kahit noong 9 years old pa lang siya ay inaasar na raw ni Jobs ang anak ukol sa pakikipagtalik. Sabi raw ng nanay ni Lisa na si Chrisann Brennan sa kanyang libro na “The Bite in the Apple” na binibiro ni Jobs si Lisa tungkol sa “sexual aspirations” ng anak.

Babaeng anak ni Steve Jobs, may mga mabigat na akusasyon laban sa sarili niyang ama

Photo from INC Images
Source: Facebook

Para naman kay Lisa, hindi raw niya ginawa ang libro upang siraan ang ama, nais niya raw ipakita na napatawad niya ang kanyang ama at kung gaano sila naging masaya bilang magtatay. Siya ngayon ay kasal na kay Bill at mayroon daw itong tatlong anak.

Philippines Social Experiment: Borrowing Money From Strangers Part 2 – “I need help! I lost my wallet and need money for transportation.” See how Filipinos react to such a request. Watch the part 1 of this experiment – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel