Friendster feels? Netizens, di na makapaghintay sa bagong feature na ilalabas ng FB

Friendster feels? Netizens, di na makapaghintay sa bagong feature na ilalabas ng FB

- Inanunsyo ng Facebook ang pagkakaroon ng music section sa FB profile

- Malapit nang magamit ang bagong app na ito kung saan maaring magdadag ng music sa inyo mismong page

- Di na makahintay ang mga facebook users dahil bukod sa larawan, ang kanilang mga memories na binabahagi sa Facebook ay magkakaroon na rin ng music

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Oktubre 24 nang inanunsyo ng Facebook ang bagong aabangang feature na pwedeng gawin sa inyong mga facebook profile.

Ayon sa ABS- CBN news, maari nang magkaroon ng music ang inyong profile na pwede ring makinig ang mga bibisita sa inyong account.

Maaring ito ay ang mismong pinakikinggan niyo sa oras na bukas ang inyong Facebook o mga paborito niyong kanta kung saan mas makikilala kayo ng taong magbubukas ng inyong profile.

Ayon pa sa Facebook, ang bawat alaala kasi o memories ay may kaakibat na kanta o musika,kaya minabuto nilang magdagdag ng music feature upang mas ”memorable” ang bawat larawan o video na binabahagi sa inyong facebook.

"When someone plays a song on your profile, they’ll hear a clip of the song and see an accompanying video featuring photos of the artists and album art," mula sa numero unong social media site.

Mula nang lumabas ang anunsyong ito, ilang netizens ang na-excite na magamit ang nakaka-good vibes na karagdagang app sa FB. Ayon sa karamihan sa kanila, para raw itong 'Friendster' bago ito tuluyang mawala.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kanilang mga komento:

" Ayus to... Naalala ko tuloy friendster account ko decade ago.. Sana may themes and layout din para mas exciting hahaha.."
"Friendster feels, Mp3 within the app,Samahan ng who viewed you"
"parang friendster lang noon,ang wallpaper ko is emo,kaya pati backgroud music ko chicosci songs din,dapat meron ding who viewed me haja"
"Friendster style tpos modified wall tpos laos na haha finish na haha"
"naalala ko ung friendster dati may ganito wahahaha nakakamiss."

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Man who chose new lover over his family earns online backlash

Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel