Mga riders, hinarangan ang daan ng ambulansyang may sakay na pasyente

Mga riders, hinarangan ang daan ng ambulansyang may sakay na pasyente

-Sa isang viral video, makikita ang ilang motoristang nakasakay sa motorsiklo na hinarangan ang daan ng isang ambulansyang may sakay na pasyente

-Ayon sa nag-upload ng video, tumabi na raw ang ilang sasakyan sa daraanan nito ngunit siningitan pa ng mga riders

-Ayon sa mga awtoridad, maaaring walang nakabantay sa area kung kaya naman nangyari ito ngunit dapat daw ay alam na ito ng mga motorista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral sa social media ang video na in-upload ng netizen na si Elynne Acor, sa video makikita ang isang ambulansyang may lamang pasyente.

Ngunit hinarangan ito ng ilang motoristang sakay ng mga motorsiklo!

Ayon pa sa uploader, tumabi na raw ang ibang sasakyan para makadaan ang ambulansya sa CM Recto Avenue, Cagayan de Oro City.

Mula naman sa ulat ng ABS-CBN News, ayon sa Roads and Traffic Administration (RTA), posibleng walang nagbabantay sa lugar na iyon kung kaya nakalusot ang mga ito.

Ngunit dapat daw ay alam na ng mga motorista na dapat ay magbigay daan sa mga emergency vehicles.

"Dapat tignan nila ang direksyon ng ambulansya obserbahan nila kung nasa likod ba at siguruhin na ma-clear at makalusot ang ambulansiya," pahayag ni Engr. Nonito Oclarit ng RTA-CDO, ayon pa rin sa report ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa GMA News, naipit sa traffic ang ambulansya ng higit sa limang minuto.

Paglabag umano ito sa traffic code ng siyudad at nakalagay rin sa Land Transportation and Traffic Code Act Article 5, Section 49 ang pagbigay daan sa mga emergency vehicles katulad ng ambulansya at firetruck.

Nangyari ang insidente noong October 19.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag

Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag

Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel