Look Who's Trending! 4 Vlogs ni Alex Gonzaga na umabot sa 4M-mark views

Look Who's Trending! 4 Vlogs ni Alex Gonzaga na umabot sa 4M-mark views

Simula nang nag-umpisa si Alex Gonzaga sa vlog niya sa kanyang sariling YouTube channel noong July 18, 2017, ay mayroon na siyang 1,893,839 subscribers.

At all in all raw, ayon na rin sa about page ng kanyang profile ay sa mahigit isang taong naging vlogger siya, mayroong a total of 117,257,103 views na ang kanyang channel.

Four sa mga videos na ginawa ng superstar vlogger ay umabot na ng mahigit sa 4 million views, at ngayon ating silipin, kung alin sa mga trending vlogs niya ang kasama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi nga maikakaila na ang nakakabatang kapatid ng Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga ay isa na ring tunay at legit na superstar na rin ang kanyang nakakabatang kapatid na si Alex Gonzaga sa vlogging, gaya nga ng libro na ginawa ni Nina Corpuz na libro na may pamagat "How To Raise A Superstar."

Talaga namang sumikat ng husto si Alex sa paggawa ng vlogs dahil natural na kwela at kulit ang Kapamilya aktres at TV host.

At ang apat (4) na mga vlogs niya na umabot sa 4-million-mark na spotted ng KAMI ay ang mga videos na kasama niya ang kanyang ate na si Toni Gonzaga, Seve, at ang kanyang mommy at daddy.

1. BORACAY - 4,601,818 views

Ang Boracay escapade niya kasama ang kanyang ate Toni Gonzaga, Seve, Direk Paul Soriano, mommy Pinty, daddy Bonoy, at ang mommy at daddy ni Direk Paul na sina mommy Marissa at Jeric Soriano, at ang kapatid ni Paul na si Philip Soriano.

Published: December 22, 2017

Ani pa niya sa video description:

"My ate surprised us with a family vacay for 2 days!!! Parang nagwaldas lang siya pera but nagenjoy naman kami so worth it hehehehe enjoy!!!!!"
"Anyway andvance MERRY CHRISTMAS everyone! This is by far the funniest video for me so this is my christmas gift to you all"

2. My Room and Closet Tour - 4,158,120 views

Ito ang 2nd sa kanyang most viewed vlogs, kung saan pinakita niya ang kanyang bedroom at closet.

May mga special cameo appearances rin ang kanyang ate Toni Gonzaga, ang kanyang pamangkin na si Seve, at ang kanyang mommy Pinty at daddy Bonoy.

Published: Aug 7, 2017

Sabi niya sa kanyang video description na sana raw ay i-like ang naturang video at magsubscribe sa kanyang channel.

Well, her wish was granted dahil umabot nga ito ng mahigit 4 million views at ang kanyang subscribers now ay mahigit na sa 1.8M.

3. Toni's Bag Raid - 4,057,121 views

Ang ikatlong most viewed vlog ni Alex Gonzaga ay ang pagbag raid niya sa bag ng kanyang ate Toni at may special cameo pa rin ang kanyang mommy Pinty at si Seve.

Published: January 12, 2018

Ani pa niya sa kanyang video description:

"Toni’s time!!!!!!"

4. Harsh Comments - 4,041,920 views

At ang pang-apat na vlog ni Alex Gonzaga na umabot sa 4M mark views ay ang pagbabasa nila ng kanyang ate Toni Gonzaga ng mga harsh o rude comments.

Dahil rin sa video na ito ay mas lalong napamahal at napabilib ang mga netizens sa magkapatid lalo dahil imbis na mainis at bumwelta rin ng sarcastic responses ay tinawanan lang ni Alex at nagbigay pa ng mga words of wisdom si Toni.

Published: August 4, 2018

Ani pa ni Alex sa video description:

"Kahit mga masasakit na salita ang natatanggap ko sa inyo.... Welcome parin kayo sa anniv party ko sa Aug11 5PM Up town center katip! Kita kits!"

Sumikat nga ng husto si Alex Gonzaga dahil sa kanyang mga vlogs.

POPULAR: Read more news about Alex Gonzaga here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel