Empleyado ng NAIA, hinangaan sa pagsasauli ng dolyar sa 2 dayuhan

Empleyado ng NAIA, hinangaan sa pagsasauli ng dolyar sa 2 dayuhan

- Nahihiya man ngunit nagpakuha rin ng litrato ang tapat na empleyado ng NAIA

- Hinabol at sinauli ni Mang Arturo ang dolyar na nahulog mula sa dalawang dayuhan sa airport

- Umani ng papuri si Mang Arturo sa mga netizens dahil sa pagpapakita nito ng katapatan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Mike Maranan kung saan binahagi niya ang larawan ng isang tapat na empleyado ng NAIA.

Ayon sa post na binahagi sa facebook, nakita ni Mike ang ginawa ni NAIA employee na nakilalang si Arturo kung saan sinauli nito ang $500 na nahulog mula sa dumaan na dalawang dayuhan.

Hinabol pa raw talaga ni Mang Arturo ang dalawang dayuhan upang isoli ang pera sa kanila.

Ayaw pa sanang magpakuha ng larawan ni Mang Arturo at nahihiya ito ngunit nakumbinsi ito ni Mike dahil ang ginawa raw ng empleyado ay di dapat ikahiya.

"Hindi ko na sana papansinin pa but this guy an employee of NAIA deserves a pat on the back.Meron kasi 500 dollars na pumatak sa 2 guy na palayo na ( yun 2 black guys as u can see in this pic) and hinabol ni Manong Arturo Verralo at isinauli.Ayaw pa nya mag pa picture but I told him,cge na manong ok lang yan,ang pag gawa ng tama at mabuti ay hindi dapat ikahiya.Kaya saludo ako sayo manong Arthur! Sana dumami pa lahi mo! Ang lahing Marangal na Pilipino!" ang caption ni Mike sa larawan ni Mang Arturo.

Samantala, humanga ang mga netizens sa ginawang ito ng NAIA employee dahil habang ang iba raw doon ay inaakusahang nagbiubukas ng bagahe, si Mang Arturo ay di nagdalawang isip na magsauli ng pera.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Congrats!! You deserve a hug"
"galing mo kuya...proud to be a Filipino"
"Arthur, keep it up, GAWIN ANG TAMA, I think you deserve a recognition from the MIAA management, muli ay ipi nakikita mo dito ang antas ng serbisyo ng ating ahensya, I salute you and commended for a exemplary display of HONESTy... Congrats...."
"Sana ganyan lahat ng pilipino salute u sir,god bless."
"Salute ako sau kuya Arthur!..Congrats!!!"
"Maunti na lang ang kagaya nyo sir.keep the good work."

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel