Batang nahulog mula sa 3rd floor ng 1 building, nasapo ng pulis

Batang nahulog mula sa 3rd floor ng 1 building, nasapo ng pulis

-Mula sa baba ng isang gusali, namataan ng tatlong pulis ang isang batang mahuhulog mula sa 3rd floor ng gusali

-Agad namang kumilos ang mga ito upang tulungan ang bata

-Mabuti na lamang at nasapo ito ng isang pulis nang ito ay tuluyang nahulog na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tatlong pulis ang maagap na sumaklolo sa isang batang mahuhulog mula sa ika-tatlong palapag ng isang gusali sa Egypt.

Ayon sa ulat ng BBC News, nagbabantay lamang ang mga awtoridad ng isang banko sa baba ng gusali ng mapansin ng mga ito ang 5-anyos na batang nahihirapan ng kumapit mula sa balcony ng apartment nito sa 3rd floor ng gusali.

Agad namang umaksyon ang mga ito, nakakita ang mga ito ng isang carpet sa 'di kalayuan sa kanila na agad nilang naisip na gamitin pangsalo.

Habang ang isang pulis naman ay nagmamadaling umakyat upang marahil ay subukang sagipin ang bata.

Isang pulis naman ang nanatili sa kanyang pwesto at nakabantay lamang sa bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maya-maya pa'y ibinuka nito ang mga braso upang saluhin ang batang tuluyan ng nahulog.

Ayon sa report ng BBC News, ligtas ang bata at walang natamong injuries habang ang pulis na nakasalo dito ay nagtamo ng bahagyang tama at dinala sa ospital upang malapatan ng lunas.

Ayon sa report ng BBC News, ligtas ang bata at walang kug natamong injuries habang ang pulis na nakasalo dito ay na gtamo ng bahagyang tama at dinala sa ospital upang malapatan ng lunas.

Ayon naman sa report ng NDTV, hindi alam kung paanong nakarating ang bata sa ganoong sitwasyon at kung nasaan ang mga magulang nito ng mga panahong iyon.

Philippines Social Experiment: Borrowing Money From Strangers Part 2 – “I need help! I lost my wallet and need money for transportation.” See how Filipinos react to such a request. Watch the part 1 of this experiment – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel