Moving on! 9 Beautiful Pinay celebs na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli

Moving on! 9 Beautiful Pinay celebs na nagmahal, nasaktan, at nagmahal muli

Sila umano ang mga kilalang nagagandahang bituin na napabalita ang masakit na hiwalayan sa kani-kanilang mga boyfriends sa showbiz.

Pero nakapagmove-on na raw at nagmahal muli, at nakaka-inspire ang kanilang tapang at tatag sa kanilang pinagdaanan.

Ika pa nila, they've become more beautiful, famous, fabulous, and stronger, at kitang-kita naman rin raw ang kanilang happiness na walang kapares.

Kaya sisilipin ngayon ng KAMI ang siyam(9) sa mga nagagandahang mga Pinay celebs na ito at be inspired sa kanilang beauty, strength, at power.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Una naming naispatan ang nasabing listahan mula sa GMA News Online at sa mga social media sites.

1. Angel Locsin

Ang isa sa pinakasikat at pinakamamahal na aktres sa telebisyon at sa pinilakang tabing na is Angel Locsin ay ilang ulit rin na nabalita ang mga masasakit na nakaraan sa pag-ibig.

Pero gaya ng ng kanyang sikat na superheroine karakter na nakamarka na sa kanya na si Darna, lalong tumatapang, lumalaban, at sa huli na nanalo.

At ngayon, masayang masaya kasama ang "the guy" na nakabighani ng kanyang puso kahit sa isang ngiti lang.

2. Angelica Panganiban

Isa rin sa pinakamatapang na aktres na nakilala natin ay si Angelica Panganiban na pinaiyak tayo sa isang episode sa Ganda Gabi Vice dahil sa kanyang magandang disposisyon sa buhay na magpatawad sa mga taong nanakit sa kanya.

Tila isang open book rin naman ang kanyang love story, na talaga namang, naging affected ang kanyang mga tagahanga.

Ngayon, nakikita ng mga fans ang saya sa mukha ni Angelica kapiling si Carlo Aquino.

Hindi pa man opisyal na inamin nila umano, pero wish ng mga faney, na sana sila na nga.

3. Bea Alonzo

Love is sweeter the 2nd time around, ika nga ng kasabihan, at tila pinatunayan ito ni Bea Alonzo ng binalikan niya si Gerald Anderson, ayon na rin sa kanyang interview sa Tonight With Boy Abunda.

At super happy naman ang kanyang mga tagahanga sa happiness na nahanap niya sa kanyang 'The One.'

4. Erich Gonzales

Isang napakalaking news rin ang nangyari sa unang karelasyon ni Erich Gonzales pero ngayon ay mukhang sobra sobra pa yata ang natanggap niya, ayon pa sa balita.

Bukod pa raw sa gwapo ang lalaki na kinilala umano na sa Mateo Lorenzo, matalino at "ultra-rich" daw ito, ayon pa sa balita ng Phil News at sa viral YouTube video ng VIP All Access channel.

Pero hindi pa naman daw officially kinumpirma ni Erich at ng nasabing lalaki.

Ngunit, kamakailan ay spotted silang dalawa sa Japan.

5. Jennylyn Mercado

Naging open book ang buhay ng Starstruck Ultimate Female/Sweetheart Survivor at Kapuso aktres na si Jennylyn Mercado.

Kaya naman nakakabilib talaga ang aktres na ito at isang inspirasyon rin sa mga kababaihan.

At gaya ni Bea Alonzo, tila love is sweeter the 2nd time around rin sa kanya at ni Dennis Trillo.

6. Jessy Mendiola

Naibalita rin ang tungkol sa mga unang pag-ibig diumano ni Jessy Mendiola.

Ngayon, larawan ng isang masayang girlfriend ang Kapamilya aktres sa piling ni Luis Manzano dahil lalong sumiseksi at gumaganda.

7. KC Concepcion

Dahil na rin isang showbiz royalty si KC Concepcion, naging open book na rin ang buhay pamilya at pag-ibig nito sa publiko.

Naging hindi maganda ang mga nakaraang mga relasyon pero ngayon ay super happy at in-love ang panganay ni Mega.

Ikaw ba naman ang sabihan ng "Mon Cœur" o "My Heart."

Indeed, love is sweeter the 2nd time around!

8. Kim Chiu

Isang malaking balita rin ang pagkakahiwalay ni Kim Chiu noon sa unang minamahal, at napa-amin rin ito sa kanyang GGV interview.

Pero tila ngayon, nahanap na ni Chinita Princess ang kanyang 'The One' at ito ay walang iba ang rumored boyfriend niya na si Xian Lim.

9. Sarah Geronimo

Hindi rin naiwasan ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang mapag-usapan sa mga balita dahil isa lang naman siya sa mga superstars ng kanyang henerasyon.

Kaya naman naging maingay rin at tila hindi maganda ang mga naunang pag-ibig ng aktres.

Subalit, mukhang nahanap na ni Sarah ang kanyang forever dahil blooming na blooming ngayon ang dalaga lalong lalo na noong ABS-CBN Ball 2018.

Ika pa ni Matteo:

"My love, You make my whole world stop. Thank you for supporting me. I’m always here for you. You were the most beautiful woman last night at the ball!!"

At deserve rin naman niya ang maging maaya dahil sa marami na rin siyang taong pinasaya.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel