Swabe ng pass! Lebron James, nakamit na ang unang panalo sa Lakers

Swabe ng pass! Lebron James, nakamit na ang unang panalo sa Lakers

- Matapos ang tatlong pagkatalo ay nanalo na rin sa wakas ang Los Angeles Lakers

- Ito na rin ang unang panalo ni Lebron James sa season na ito

- Nag-react naman ang mga netizens sa unang panalo ng Lakers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanalo na rin sa wakas ang Los Angeles Lakers! Pinangunahan nga ng NBA superstar na si Lebron James ang laban ng Lakers laban sa Phoenix Suns.

Nalaman ng KAMI sa ABS-CBN Sports na natalo ng Lakers ang Suns na may score na 131-113 ngayong Huwebes bagamat wala nga si Brandon Ingram at Rajon Rondo ng Lakers sa laban.

Umani ng 19 points, seven na rebounds at 10 na assists si James. Samantala, naka-23 points naman si Lance Stephenson at 20 points naman kay JaVale McGee.

Ipinamalas naman ni James ang kanyang galing gaya puro tres ang mga shot niya. Nakita rin ang kanyang swabe na pagpasa ng bola kay Kyle Kuzma.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpakitang gilas din naman si Kuzma sa kanyang baseline reverse dunk.

Para kay James ay he “feels good” daw matapos manalo sa kanilang pang-4 na laro sa NBA regular season. Nais niya lang daw sana na ipagpatuloy ng Lakers ang kanilang naging performance ngayon.

“I think we’ve gone better tonight and we’d wanna try to continue that,” sabi ni James.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa Twitter sa unang panalo ng Lakers:

Naibalita rin ng KAMI noon ang inalat na laro ng Lakers laban sa San Antonio Spurs. Tila fail nga ang mga shot ni James noon at may na-miss pa siyang dalawang free throws. Kaya naman, nanalo ang Spurs sa kanila, 128-125. Susunod na makakalaban daw ng Lakers ay ang Denver Nuggets sa Biyernes.

POPULAR: Read more news about Lebron James here!

Philippines Social Experiment: Borrowing Money From Strangers Part 2 – “I need help! I lost my wallet and need money for transportation.” See how Filipinos react to such a request. Watch the part 1 of this experiment – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel