Dumadalas na daw! Isang lalaki, inatake ng pating

Dumadalas na daw! Isang lalaki, inatake ng pating

-Isang lalaking surfer sa Australia ang inatake ng pating sa isang beach doon

-Sinuntok daw nito ang paiting hanggang sa pakawalan ito

-Ayon sa report, dumadalaw na daw ang ganitong insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-su-surf daw si Paul Kennedy, 50 sa Samurai Beach sa Australi nang bigal daw siyang atakihin ng isang pating.

Sinagpang daw siya nito sa braso kaya naman sinuntok-suntok niya ito hanggang sa pakawalan siya nito sa pagkakakagat.

Maaari umanong isang wobbegong o bull shark ang umatake sa kanya ayon kay Kennedy.

"As soon as I did that he latched onto my arm and all I could do was punch it until it let go," anito sa isang interview sa Daily Telegraph, pahayagan sa Sydney.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa report ng ABS-CBN News, dumadalas na raw ang ganitong pag-atake ayon sa mga eksperto dahil sa mga nauusong water sports at papapalapit na rin sa tabing-dagat ang mga pagkaing isda ng mga pating.

May naiulat din umanong parehong insidente sa Whitsunday Islands sa Queensland sangkot naman ang dalawang turista.

Agad naman daw nalapatan ng paunang lunas si Kennedy.

Dumadalas na daw! Isang lalaki, inatake ng pating

Photo source: Getty Images
Source: Facebook

Philippines Social Experiment: Borrowing Money From Strangers Part 2 – “I need help! I lost my wallet and need money for transportation.” See how Filipinos react to such a request. Watch the part 1 of this experiment – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalagitang malaki ang pinayat, inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel