Netizens, halo-halo ang opinyon sa pag-delete ng Facebook sa pro-Duterte pages at accounts

Netizens, halo-halo ang opinyon sa pag-delete ng Facebook sa pro-Duterte pages at accounts

- Ibinalita ng Facebook na nagbura sila ng mga pages at accounts ng mga sumusuporta kay Pangulong Duterte

- Ilan nga sa mga pages na ito ang DDS, Duterte Media, at DU30 Trending

- Nagkaroon naman ng iba’t-ibang opinyon ang mga netizens dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens nang ibalita ng Facebook na nagbura sila ng 95 pages at 39 accounts na may kaugnayan sa mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nalaman ng KAMI na ilan nga sa mga binura ng Facebook ay ang pages na DDS, DU30 Trending News, Duterte Media, Duterte Phenomenon at Manang Imee.

Netizens, halo-halo ang opinyon sa pag-delete ng Facebook sa pro-Duterte pages at accounts

Photo from Inquirer
Source: Facebook

Naibalita rin ng KAMI noon na nais ng Facebook bawasan ang “spam behavior” at mga pang-aabuso sa social media site.

“We’re monitoring for a range of abuses on Facebook, including spam behavior, and will remove any account or page that breaks our rules,” sabi ng Facebook.

Narito naman ang komento ng mga netizens sa Facebook page ng Rappler:

“Wag nyong isipin dilawan lang ang Facebook. Magbasa basa kayo ng world news. They are doing it worldwide. Sa Singapore may deliberation pa sa PARLIAMENT together with Facebook Executives.. this is a serious issue and problem..hinahanapan nyo lang ng kalokohan...wag kuda ng kuda!”
“ang focus ng mga DDS ay ipitin at ibully ang mga pumupuna sa gobyerno. Pero sa usaping ekonomiya wala naman masabi. irereply lang sayo yong mga DONT FORGET DONT FORGET..”
“Stop cyber bullying!most esp those nasty bad supporters of Duterte/Marcos.. Thank you FB!”
“Hay salamat maghanap nalang kau ng ibang work at malaman na talaga ano tunay na pulso ng taongbayan”
“Mas napaaga ang payday at unemployment ng mga ka-dds PS: Hindi sila makapag twitter at IG dahil walang freedata dun”
“Malinaw naman na ang mga DDS ay walang pakialam sa tunay na kalagayan ng ating bansa..Ang alam lang nila ay maipag tanggol nila ang kanilang idolo sa FB,, Mag abang ng mga Anti Duterte sa FB para ma bully nila,,,Anyway,, yan na talaga yong realidad na Infected na ng Virus ni Duterte yong mga utak nila”
“I voted for Duterte and i have no regrets. Hindi ako affected what’s happening in the economy cause im doing my own ways to beat inflation.Sipag ,diskarte and a heart to serve my family and my community. Ikaw, what have you done for this country? This should start from yourselves . Bago mag reklamo thru facebook lng nmn, at isisi sa gobyerno bkit naghihirap ka , may nagawa knb para ma improve ang buhay mo? Did your best? You’re very best? Ask yourself”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring ipapabuti ng Facebook ang seguridad ng kanilang mga users. Naibalita rin ng KAMI noon na ilang entertainment pages din ang tinanggal ng Facebook tulad ng Hot Babes, Bossing Vic at Like and Win.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Kaano-Ano Ni Coco Martin SI Carmi Martin? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel