Anyare? Karayom, naiwan sa matris ng isang bagong panganak na babae

Anyare? Karayom, naiwan sa matris ng isang bagong panganak na babae

-Nakaramdam daw ng kakaibang sakit ang isang bagong panganak na babae matapos lamang ang kanyang C-section

-Dahil dito, napagalamang may naiwan palang karayom sa loob ng matris nito kaya naman agad na isinalang ang babae sa ikalawang operasyon

-Ngunit hindi raw pala alam ng asawa nito na agad itong isinailalim sa operasyon kaya naman matinding pagaalala ang naramdaman nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Katatapos lamang manganak ni Thi Nguyen sa pamamagitan ng C-section ng makaramdam daw ito ng kakaibang pananakit.

Kahit normal ang makaramdam ng pananakit sa mga babaeng sumailalim sa C-section, iba raw talaga ang kanyang naramdaman kung kaya naman agad siyang kumunsulta sa doktor.

Napagalamang mayroong karayom sa matris ni Thi kung kaya naman agad na isinalang ito sa ikalawang operasyon, dahil ito lamang ang paraan upang matanggal ang karayom.

Ngunit dahil daw sa kakulangan ng komunikasyon ng ospital, hindi ito naipaalam sa asawa o kahit na sinong kaanak ni Thi.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data! sakit.html#82580

Nalaman na lamang ni Steven Nguyen, asawa ni This ang nangyari makalipas ang ilang oras kaya naman matinding pagkabahala ang naramdaman nito.

Dahil dito, nagkaroon ng imbestigasyon sa ospital kung saan nanganak at inoperahan si This, ang Fairfield Hospital sa Sydney, Australia.

Humingi naman ng paumanhin ang opisyal ng nasabing ospital.

Mabuti na lamang at ligtas si This matapos ang operasyon dito. Ayon sa ospital, hindi daw ito kapabayaan ng doktor kundi dahil naputol ang karayom.

Anyare? Karayom, naiwan sa matris ng isang bagong panganak na babae

Photo source: The Asianparent Philippines/Thi Nguyen and her newborn
Source: Facebook

Source: The AsianParent Philippines

Philippines Social Experiment: Borrowing Money From Strangers Part 2 – “I need help! I lost my wallet and need money for transportation.” See how Filipinos react to such a request. Watch the part 1 of this experiment – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel