Umabot na raw ng P11 billion ang nawawalang shabu na hinahanap ng PDEA

Umabot na raw ng P11 billion ang nawawalang shabu na hinahanap ng PDEA

- Mula P6.8 billion ay umabot na ng P11 billion ang diumano’y shabu na nawala

- Tila may nakalusot daw kasi na droga na nasa loob ng magnetic filters sa Customs

- Nagsalita na rin si Pangulong Duterte sa issue na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May bagong balita ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ukol sa nawawalang shabu na nasa loob daw ng magnetic filters na natagpuan sa GMA, Cavite. Nalaman ng KAMI na mula P6.8 billion worth of shabu ay umabot na raw ito ng P11 billion.

“Ang lumalabas sa aming pagtitimbang...lumabas doon [na diperensya] is 1,618 kilos. Kung i-multiply mo 'yun ng P6.8 million bawat kilo, it would turn out to be P11 billion worth of illegal drugs," sabi ni PDEA chief Director General Aaron Aquino base sa report ng Rappler.

Kung totoong shabu nga ang laman ng magnetic filters, paano nakalusot ito?

Ayon sa report ng Rappler ay sabi ng Bureau of Customs, wala raw laman ang magnetic filters nang dumaan ito sa x-ray inspection nila.

“Yes, your honor, kita ko na walang makitang dense talaga, na nagsasabing walang laman,” sabi ni John Mar Morales ng Bureau of Customs.

Naniniwala rin si Customs Chief Isidro Lapeña na wala ngang laman ang magnetic filters. Pero, giit naman ni Aquino na shabu ang laman ng mga iyon. Ilang araw ang nakalipas ay tila nag-iba ang pananaw ni Lapeña.

“Talagang may nakalusot nga. But of course, ito ay, it was a very sophisticated way of shipment ng mga drug syndicates,” sabi ni Lapeña.

May sagot naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtuturuan ni Aquino at Lapeña.

“Instead of killing the idiots, sila ang nagtuturuan. Why don't you stop blaming and just go [back]?” sabi ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa ng Pangulo na magaling naman sina Aquino at Lapeña. Tila patuloy pa rin nga ang kampanya laban sa droga ng Duterte administration. Hanggang sa ngayon ay tinutugis pa rin nila kung saan napunta ang mga diumano’y nawalang droga.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Kaano-Ano Ni Coco Martin SI Carmi Martin? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel