Narito na ang Butterfly diva! Mariah Carey, excited magperform muli sa Pinas

Narito na ang Butterfly diva! Mariah Carey, excited magperform muli sa Pinas

- Nasa Pilipinas na si Mariah Carey at dumating siya gamit ang isang private plane

- Excited na raw siya magperform para sa kanyang Filipino fans

- Gaganapin ang concert niya sa October 26 sa Araneta Coliseum

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumating na sa Pilipinas ang Songbird Supreme at award-winning singer na si Mariah Carey. Sakay-sakay ng isang private airplane mula Shanghai, China, sinalubong ng Filipino press si Carey sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang alas-3 ng madaling araw.

Nalaman ng KAMI na tila excited si Carey na makita at magperform para sa kanyang mga fans. Gaganapin nga ang concerty niya sa Araneta Coliseum sa Oktubre 26.

“I can’t wait to see the fans, the Filipino fans, I am so excited,” sabi ni Carey.

Base sa report ng ABS-CBN News ay kasama ni Carey ang kanyang anak na kambal na sina Moroccan at Monroe. Very supportive rin ang kanyang boyfriend na si Bryan Tanaka na kasama rin niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakilala si Mariah Carey sa kanyang mga hit singles na “Always Be My Maybe”, “All I Want For Christmas Is You”, “We Belong Together”, “Hero” at ang kanyang duet kasama si Whitney Houston na “When You Believe”.

Taong 1990 noong unang nag-release ng album si Carey at simula noon ay ilang Grammy awards at platinum records na nga ang natanggap niya. Nakilala rin siya sa kanyang pambihirang five-octave na vocal range at whistle sa pagkanta.

Naiulat din ng KAMI noon na nagsuot ng napakagandang gown si Carey noon na gawa ng prominent Filipino designer na si Michael Cinco sa Los Angeles.

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Kaano-Ano Ni Coco Martin SI Carmi Martin? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
More victims of controversial chef surface, reveal lewd messages he sent to them

Controversial chef's victims surface, reveal nasty messages he sent to them

Controversial chef's victims surface, reveal nasty messages he sent to them
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel