Mommy knows best! Pagtutol ni Janine Desiderio sa relasyong ElNella, may basehan nga ayon sa netizens

Mommy knows best! Pagtutol ni Janine Desiderio sa relasyong ElNella, may basehan nga ayon sa netizens

- Ikinagulat ng karamihan ang naging rebelasyon ni Janella Salvador

- Ito ay hinggil sa diumano'y pananakit ni Elmo Magalona sa kanya

- Tila naman naliwanagan ang mga netizens kung bakit ganun na lang ang pagtutol ng ina ng aktres na si Jenine Desiderio sa relasyon nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinagulantang lalo na ng mga fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador ang pasabog na rebelasyon ng dalaga. Tinuldukan na ng aktres ang haka-haka tungkol sa lumabas na balitang sinaktan siya ng ka Love-team.

Ayon sa panayam sa kaya ni Ricky Lo na nailathala sa Philippine Star, dalawang beses daw siyang pinagbuhatan ng kamay ni Elmo. Noong una ay pinalagpas niya at prinotektahan ang binata.

Gayunpaman, naulit umano ito matapos nilang dumalo sa isang party kung saan parehos silang nakainom pero hindi naman daw sobra ang kalasingan. Gumanti din siya sa pamamagitan ng pagsampal dahil pakiramdam niya ay di na siya nirespeto.

Sinubukan din umano nilang ayusin ang gulo at nangako daw si Elmo na maglalabas ng kanyang statement at aakuin ang kanyang nagawang kasalanan. Gayunpaman, wala pa rin daw hanggang ngayon kaya nagsalita na si Janella. Ayaw niya din daw kasi na kung anu-ano ang nasasabi ng tao sa kanyang ina.

Naging mainit ang isyung ito at ayon pa sa mga netizens, muli na namang napatunayang, Mothers know best.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaan kasi na malaki ang pagtutol ng ina ni Janella kay Elmo para sa anak hanggang sa silang mag-ina na ang nagkasamaan ng loob. Sa mga nangyari ay muling nanumbalik ang maayos na relasyon ng mag-ina.

Ayon pa kay Janella, kahit may tampuhan silang mag-ina ay itinext agad siya ni Jenine nang malaman nito ang nangyari.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel