Saan makakarating ang P20 mo? Sa mag-asawang ito, sa negosyo

Saan makakarating ang P20 mo? Sa mag-asawang ito, sa negosyo

-Nagsimula lang daw sa P20 ang negosyong napagtagumpayan ng mag-asawang de Leon na ngayon ay kumikita na daw ng tapat

-Ayon sa magasawa, nagsimula daw ito nang makaipon sila sa kita ng kanilang panindang yelo

-Dahil dito, nasimulan nila ang negosyo ng ice candy na ngayo'y namamayagpag na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsimula lamang sa P20 ang kanilang negosyo. Ayon sa mag-asawa, iyon na lamang ang kanilang pera ng mga panahong iyon.

Ipinuhunan nila ito sa pagtitinda ng yelo at kumita ng P300. Dito nila sinimulan ang pagtitinda ng ice candy.

Nang panahong iyon ay nasa elementarya ang isa nilang anak. Nag-request umano ito na kung pwede nilang itinda ang kanilang ice candy sa kanilang eskwelahan.

“When Nica was enrolled in a public school, she asked us to bring our product there because they had limited snack choices,” ayon kay Rudy sa panayam nito sa Entrepreneur.com.ph.

Dito na nagsimula ang kanilang swerte ng magsimula na silang mag-supply sa eskwelahan ng kanilang ice candy na aabot sa ilang libo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Unti-unting dumami ang kanilang kliyente hanggang sa buong Antipolo na at ilang kalapit na lugar ang kanilang sinu-supply-an.

“We’re currently servicing 136 schools to date, in Antipolo, Pasig City, some schools in Rizal, and the entire Quezon City,” ani Rudy.

Ang kanilang 2 facilities ay meron ng 194 freezers nakakagawa ng 60,000 piraso ng 24 variants ng ice candy mula Lunes hanggang Biyernes.

“Can you imagine, all we had was P20. We really just had to continue our lives then…. I never thought an ice candy business will be our bread and butter,” ayon naman kay Rosiell.

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel