2 pulis inirereklamo ng 1 taxi driver; nabuking na rumaraket pala

2 pulis inirereklamo ng 1 taxi driver; nabuking na rumaraket pala

-Sa kuha ng dashcam sa taxi, maririnig pa ang tila paghampas ng isang pulis sa side mirror ng taxi

-Nakarating naman ito kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar na agad pinatawag ang dalawang pulis na rumaraket pala bilang motorcycle escorts

-Kakasuhan ang 2 pulis ng malicious mischief at mananagot pa dahil sa 'di awtorisadong pag-escort nito sa convoy ng negosyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inireklamo ng isang taxi driver na si Joseph Barreno ang dalawang pulis na nakasira ng kanyang side mirror.

Sa kuha ng dashcam ng taxi ni Barreno, maririnig pa ang pagkalabog ng isang pulis sa kanyang minamanehong taxi na naging dahilan daw ng pagkasira ng kanyang side mirror.

"Tinap ko lang po 'yung side mirror para ma-flag down kasi papasok na kami sa gate. Hindi ko po napansin na nasira na pala siya." pahayag ni PO2 Ralph Curibang Tumanguil, isa sa mga pulis na inirereklamo.

Ang isa pang pulis ay kinilalang si Police Officer 2 Jay Pastrana Templonuevo.

Ayon kay Barreno, tumabi naman daw siya agad at hinayaan ang apat na luxury cars na may escort na mga pulis.

Nakarating naman ito kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar at agad na pinatawag ang dalawang pulis.

“Unang-una, 'yang moonlighting, 'yung pag-e-escort nang walang authority, eh, alam n'yo bang bawal 'yan?" ani Eleazar.

Ayon sa ulat ng GMA News, haharap sa kasong malicious mischief at mananagot pa sa 'di awtorisadong pag-escort ng mga ito sa convoy ng negosyante.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"We will be filing admin cases, against the two for unauthorized escorting. This is less grave misconduct, na puwede siyang ma-suspend ng 1-2 months," ayon pa kay Eleazar.

Hindi naman na napigilan ng nagrereklamong driver ang maging emosyonal dahil sa nangyari.

Ayon sa report, personal na motor ni PO2 Tumanguil ang ginamit nito na binihisan lamang upang magmukhang lehitimong motorcycle escort.

Narito ang buong report,

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag

Kabit ng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag

Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel