We're family! 14 Famous & fab stepmoms, stepdads, and stepchildren in showbiz

We're family! 14 Famous & fab stepmoms, stepdads, and stepchildren in showbiz

Kay ganda lang pagmasdan ang pamilya na buo at close sa isa't isa kahit na sa mga unang 'di pagkakaunawaan ay pinili nilang tanggapin ang isa't isa at maging isa.

Heto ang fourteen (14) well-known steparents at stepchildren sa mundo ng showbiz na napag-alaman ng KAMI na nakakabilib naman talaga na sa kabila ng pinagdaanan nila sa buhay ay mas pinili nila maging isang buong pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Pauleen Luna-Sotto

Isang pretty at fab naman na stepmom si Eat Bulaga Dabarkads Pauleen Luna sa mga anak ni Bossing Vic Sotto na sina Danica Sotto-Pingris, Oyo Boy Sotto, Vico Sotto, at Paulina Sotto.

2. Hayden Kho

Naging stepdad naman si Dr. Hayden Kho sa dalawa pang anak ni Dra. Vicki Belo pagkatapos nilang ikinisal pero makikita naman ang close family ties ng kanilang modern family.

Sabi nga ni Cristalle Belo Henares-Pitt sa kanyang caption:

"It's a modern family but we are able to make it work!"

At iyun naman ang importante sa lahat.

3. Heart Evangelista-Escudero

Absolutely pretty and fabulous naman na stepmom si Heart Evangelista sa mga anak ni Senator Chiz Escudero.

4. Coleen Garcia-Crawford

Naging stepdaughter naman ang dating It's Showtime host at magandang misis ni Billy Crawford na si Coleen Garcia sa PBB season 1 housemate na si JB Magsaysay, nang nagpakasal raw ito sa mommy niya.

Ani pa umano ni JB, sa balita ng Push:

“Although of course, I can never replace ‘yung position nung daddy nila, natutuwa ako because they accepted me.”

5. Charlene Gonzalez-Muhlach

Ayon pa sa balita ng PEP, naging lola raw si Charlene Gonzalez sa edad na 36 dahil ang kanyang stepson na si Luigi Muhlach, ang anak ni Aga kay Janice de Belen ay naging ama na.

Sabi pa raw ng dating beauty queen at The Buzz co-host:

"We now have a good relationship. We have gotten closer."

At noong nagdiwang pa nga raw ng kaarawan si Charlene, nagbigay naman ng isang sweet na message si Luigi sa kanya.

Saad nito:

"Happy birthday, tita charls!! Thank you for always being there for me and my family! You have no idea how much you've touched our lives in so many ways! God is good for letting you become a part of our lives! We love you!"

6. KC Concepcion

Nang pinakasalan ni Kiko Pangilinan ang Megastar noong 1996, inako rin umano niya ang responsibilidad sa then-11-year-old KC, na anak ni Sharon kay Gabby Concepcion, ani pa sa balita ng Push.

At kitang-kita naman ang close relationship na meron ang mag stepdad at stepdaughter.

7. Priscilla Meirelles-Estrada

Isang napakapretty, fabulous, at cool stepmom naman si Priscilla sa mga anak ni John Estrada kay Janice de Belen.

8. Luis Manzano

Naging stepfather ni Luis Manzano si Ralph Rector pagkatapos pakasalan ng huli ang kanyang ina na si Star for All Seasons Vilma Santos noong Disyembre ng 1992.

9. Mariel Rodriguez-Padilla

Sa mga larawan na ibinabahagi ni Mariel at Robin Padilla sa kani-kanilang mga social media pages ay makikita naman ang magandang relasyon ni ng It's Showtime host sa mga anak ni Binoy gaya na lang ni Kylie Padilla.

10. Kylie Padilla

Isa namang sweet at nakakaiyak na message ang ibinigay ni Kylie sa kanyang stepmom na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Ani niya sa kanyang caption:

"Thank you for being a most loving, understanding, thoughtful and giving step mom."

Dagdag pa ni Kylie:

"I’m happy I got to share my mothering journey with you. I don’t think I would have made it without your help. You are a blessing to our family."

11. Sandy Andolong

Naging fabuluos stepmom si Sandy Andolong sa mga anak ni Christopher de Leon kay Nora Aunor na sina Lotlot de Leon, Matet de Leon Estrada, at Ian de Leon.

12. Annabelle Rama

Stepmom naman si Annabelle Rama sa mga anak ni Eddie Gutierrez sa batikang aktres na si Liza Lorena at Asia's Queen of Song na si Pilita Corrales na sina Tonton Gutierrez at Monching,respectively.

13. Regine Velasquez

Isang napakasupportive, sweet, at caring naman na stepmom ni Regine Velasquez sa mga anak ni Ogie Alcasid kay Michelle van Eimeren

At sa kaarawn ng Asia's Songbird, hindi pinalagpas ni Leila na bumati sa kanyang stepmom at ang tawag pa niya rito ay "mama Reg."

14. Leila Alcasid

Unang naispatan namin ang listahan sa GMA News Online, Push, PEP, The Asian Parent, YouTube, at sa mga social media accounts ng mga artista rin.

Una naming ibinihagi ang 5 celebrity stepmoms sa showbiz.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'

4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'

4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel