Batang luma ang damit at sapatos at laging late sa klase, may matinding dagok sa buhay

Batang luma ang damit at sapatos at laging late sa klase, may matinding dagok sa buhay

- Kinukutya si Romy Boy Abuan dahil sananinilaw nitong damit, putikan na sapatos at palaging huli sa klase

- Umaabot pala ng isang oras ang kanyang paglalakad patungo sa kanyang klase

- Matagal ding nawalay si Romy Boy sa kanyang ina na nagtatrabaho sa ibang probinsya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kita sa mga mata ni ng batang si Romy Boyo Abuan ang matinding dinadala sa hirap ng kanilang buhay.

Ayon sa dokumentaryong Mission Possible ng ABS-CBN, matindi ang pinagdaraan ng Grade 7 na si Romy Boy.

Nakukutya siya dahil naninilaw na ang kanyang uniporme at laging putikan ang kanyang sapatos.

Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaklase, sa pagpasok at pag-uwi mula sa eskwela ay dumaraan siya sa matarik na bundok ng Brgy. Baretto Olongapo City.

Umaabot daw ng isang oras ang lakaran niya papasok at pabalik kaya naman madalas na putikan ang kanyang sapatos.

Ang uniporme naman niya ay mula pa noong siya ay nasa ikalimang baitang pa lamang. Mapapansing naninilaw at luma na ito sa katagalan.

Sadyang mahirap kasi ang buhay ni Romy Boy na ang tanging kasama lamang ay ang kanyang lola. Minsan pa nga raw, tsitsiryang tag-piso ang kanilang ulam maitawid lamang ang kanilang pagkain.

Nagtatrabaho kasi ang ina ni Romy sa ibang probinsya na may kalayuan kaya matagal na rin silang di nagkikita.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman ng KAMI na miss na miss na ni Romy ang kanyang ina. Ito marahil ang isa pa sa nakadaragdag sa hirap ng saloobin ng binatilyo.

Sa tulong ng programang nabanggit, nagkita muli si Romy at ang kanyang ina. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang bata.

Bagaman at aalis pa rin ito upang magtrabaho, nanatiling positibo si Romy sa hamon ng buhay at nangakong mag-aaral ng mabuti upang makatulong sa kanyang ina at lola.

Samantala, hinangaan ng mga netizens ang katatagan ni Romy at sa pagigi nitong mabait na bata sa kabila ng lahat ng pagsubok na ito sa kanyang murang edad.

Narito ang kanilang mga komento:

"Oh my God grabeh ang luha ko dto.. diyosko ang sakit sa dibdib.. minsan andami nating reklamo sa buhay hindi natin narerealized na mas bless pa tau kesa sa mga taong ito.... God Bless you boy."
"Naiiyak ako sa awa sa bata, pero hanga ako sa kanya sapagsisikap mag aral, mabait at masikap at guwapo pang bata God bless you more"
"Paano ba makatulong kahit konti sa bata, My god sakit sa dibdib"
"Sakit sa dibdib , pagnakita m ganitong sitwasyon ngsusumikap samantala Ang iba nsa knila n lahat pro Mali pa landas n narating"
"Keep going baby, keep on praying, and don't stop chasing with your dreams. God loves us. God bless you always"

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel