Inireklamo ang 1 lalaki ng ex niya na nagpabuntis naman pala sa iba

Inireklamo ang 1 lalaki ng ex niya na nagpabuntis naman pala sa iba

-Inirereklamo ang isang lalaki ng kanyang dating kinaksama dahil umano sa pagdadamot nito sa kanilang anak

-Depensa naman ng lalaki, nagkahiwalay sila dahil sa panglalalaki ng babae at nagpabuntis pa umano ito sa iba habang magkasama sila

-Reklamo ni babae, hindi na daw siya masaya sa kanilang buhay kung kaya nagaw niya iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa programang Raffy Tulfi in Action, inireklamo ni Gerlyn Juagpao ang dating kinakasama na si Jose Malvin Borja dahil umano sa pagdadamot nito sa kanilang anak.

Nais daw nitong makuha muli ang bata mula sa dating kinakasama.

Depensa naman ni Borja, si Juagpao ang dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil sa panglalalaki nito at pagpapabuntis sa ibang lalaki.

Hindi naman ito itinanggi ni Juagpao at sinabing nagawa lamang daw niya ito dahil sa hindi na siya masaya sa buhay nila.

Ayon kay Juagpao, siya lamang ang may income sa kanilang dalawa na ayon naman kay Borja ay desisyon nito iyon dahil umano sa selos.

Bukod dito, hindi rin umano ito welcome sa pamilya ng lalaki na itinaggi rin ni Borja.

Maging ang host na si Raffy Tulfo ay nadismaya din sa naisiwalat ni Borja tungkol sa nagrereklamong si Juagpao.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi rin nito nagustuhan ang sinabi ni Juagpao na paraan daw ng Diyos na siya ay makahanap ng iba upang makatakas sa relasyon nila ng dating kinakasama.

Bandang huli, nagkasundo ang mga ito na magharap sa CSWD sa Antipolo, ngunit dahil hindi umano pamilyar ang bata sa ina, papayagan na lang umano itong makabisita kada linggo.

Pagkatapos ng anim na buwang pagsubaybay dito ay tsaka pa lamang daw magkakaroon ng bagong assessment sa kaso, ayon sa programa.

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel