Batang di sinipot ng mga kaklase sa party, may malaking surpresa mula sa sikat ng NBA team

Batang di sinipot ng mga kaklase sa party, may malaking surpresa mula sa sikat ng NBA team

- Labis na nalungkot ang batang si Teddy nang wala ni isa sa kanyang mga kaklase ang sumipot sa kanyang birthday party

- Nang nag-viral ang post ng kanyang ina sa Facebook, nakaagaw ito ng atensyon ng dalawang Phoenix team sa NBA

- Inalok ng free tickets ang bata at doon daw ito magpaparty kasama ang mga libo-libong manonood ng laro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magdiriwang ang batang si "Teddy" ng kanyang ikaanim na kaarawan sa isang pizza parlor. Namigay na siya ng mga imbitasyon sa 32 niyang mga kaklase ngunit nakalulungkot na ni isa sa mga ito ay walang nakarating.

Oktubre 22 nang binahagi ng kanyang inang si Sil Mazzini sa kanyang Facebook ang larawan ni "Teddy" na malungkot at nag-iisa sa dalawang long table na dapat sana ay puno ng 32 na kaklase niya.

Ayon pa sa ina ni Teddy, naghanda rin siya ng loot bags para sa mga bata at nakausap naman niya ang mga magulang nito at sinabing pupunta naman sila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naging agaw eksena ang post ng ina ni Teddy hanggang sa makarating ito at mapansin ng dalawang Phoenix team sa NBA at football.

Sa pamamagitan ng isang tweet, malugod na inimbita ng Phoenix Suns si Teddy at ang kanyang pamilya na manood ng kanilang laro laban sa LA Lakers.

Ayon pa sa tweet ng team, magdiriwang daw si Teddy sa Miyerkules, kasama ang libo libong manonood ng laro.

Bukod sa NBA team, naimbitahan din si Teddy ng Phoenix Rising football team sa kanilang laro sa Biyernes.

Samantala, naantig naman ang ilang netizens na nakabasa ng post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"The kid doesn't deserve that"
"How humiliating it is for the little boy"
"Kawawa namn si baby boy.hugs"
"I want to cry"
"they're worst than scum"

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel