Netizen, binatikos ang ilang Pinoy na nanlait daw noon kay Mader Sitang

Netizen, binatikos ang ilang Pinoy na nanlait daw noon kay Mader Sitang

- Hayagang binatikos daw ng isang netizen ang ilan nating kababayan na ginawang tampulan ng katatawan ang internet sensation na si Mader Sitang

- Kung di pa raw kasi nakita ang pagtulong na ginawa nito sa bansa, di raw titigil ang pangungutya sa kanya

- Nag-viral ang naturang post na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lakas loob na binatikos ng netizen na si Mark Louie Carabbacan ang di umano'y napansin niya sa ilang Pinoy na nagawang laitin noon si Mader Sitang Buathong.

Ayon sa post ni Mark, kung di pa raw natin nalaman ang pagtulong na ginagawa ng sikat na internet sensation, marahil hanggang ngayon ay tampulan pa rin ito ng katatawan sa atin.

Kaya naman nagawa rin niyang purihin si Mader Sitang dahil sa kabila ng panlalait sa kanya ng mga Pinoy, patuloy parin ang pagtulong niya sa atin.

Katunayan, naging emosyonal pa siya sa isang maagang Christmas party na hinanda niya para sa mga kapus palad na bata ng Quezon City. Sa naunang naibalita ng KAMI, makikitang napahinto sa pamimigay ng pamasko si Mader Sitang at napaluha na lamang.

Samantala, marami-raming netizens ang sumang-ayon sa post ni Mark na umani ng iba't ibang reaksyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ganyan kaming mga LGBT kahit lait laitin nyo kami o apak apakan . Nangingibabaw parin samin ang puso at ang pag iintindi sa mga taong mapanglait .. kami nlang ang iintindi sa inyo. Kung di nyo kami kayang intindihin at ituring na isa rin tao. RESPETO NA LANG PO para samin."
" Imagine lahat ng tinulong nya galing sa sarili nyang bulsa. di tulad ng iba jan , andaming HANASH! Ni magbigay ng barya sa mga namamalimus sa quiapo hindi magawa!"
"hndi natin xa kababayan pero xa yung taong may karapatan na mang bash sa mga taong pangit ang tingin saknya kasi xa yung taong may inambag sa ating bansa and be proud .. kasi saludo xa sa talento ng mga Pilipino pero dapat tayo ang mag bigay pugay saknya :) we love Mader sitang and thank you for helping my Country"
"Sobrang nakaka lungkot lang na sa kabila ng lahat ng pangungutya ng tao sa kanya mas pinili parin niyang tumulong. Nakakahiya sa mga taong ginawa siyang katatawanan."
"Kaya natatawa nalang ako sa mga kapwa pinoy na grabe manlait. Ngayon ano ? Am pa plastik no? Dapat kasi be kind lagi. Bakit ang pinoy grabe maka judge?"

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel