OFW sa Riyadh, nagwala kasama ang iba pang Pinoy doon

OFW sa Riyadh, nagwala kasama ang iba pang Pinoy doon

-Sa isang viral video, makikita ang isang OFW kasama ang iba pang Pinoy sa Riyadh, Saudi Arabia

-Makikita at maririnig ang pagsigaw nito sa video habang kaharap ang hinihinalang isa sa mga boss ng kompanyang pinapasukan ng mga OFW

-Muntik nang masaktan ang Pinay na nakikipagtalo kung hindi lamang ito ipinagtanggol ng iba pang OFW na kasama nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang viral video na in-upload ng netizen na si Merlyn Bohol, makikita ang pakikipagtalo ng isang overseas Filipino worker (OFW) kasama ang iba pang Pinoy sa isang lalaki na hinihinalang isa sa mga boss nila.

Ayon sa caption ng video,

"stopwork riyadh site..bukas kami naman lord please guide and protect us."

Sa isang bahagi ng video, mukhang hindi na nakapagtimpi ang lalaki kung kaya naman tila tinangka na nitong saktan ang Pinay. Mabuti na lamang at agad na sinaklolohan ng iba pang Pilipino ang babae.

Agad na nauwi sa gulo ang ang komosyon at napilitang umalis ang lalaki.

Ayon naman sa report ng AKSYON, humihingi ng tulong ang ating mga kababayan sa Riyadh na 2 buwan na umanong hindi pinapasahod ng kompanyang kanilang pinapasukan.

Kwento pa ng representative ng grupo na nakapanayam ng AKSYON, nais umano silang pagtrabahuhin ng walang sahod.

Ayon naman sa OWWA, gumagawa na sila ng aksyon kaugnay nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa iba pang report na KAMI, isang OFW naman ang nasawi sa Saudi, hinaing ng pamilya nito nade-delay ang sahod nito na umaabot ng 3 buwan kaya naman ninais na nitong umuwi na lamang.

Reklamo pa ng pamilya, ang mga benepisyong inaasahan nila ay wala pa rin kahit 2 buwan na ang lumipas.

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Taong lumot" na naninirahan sa ilalim ng tulay, nangunguha umano ng buhay

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel