Oposisyon Koalisyon, ipinakilala ang kanilang pambato sa Senado

Oposisyon Koalisyon, ipinakilala ang kanilang pambato sa Senado

- Opisyal nan gang ipinakilala ng Oposisyon Koalisyon ang kanilang Senatorial candidates

- Para kay Bise Presidente Leni Robredo ay buhay na buhay ang diwa ng oposisyon

- Naniniwala rin naman si Robredo na mananalo ang kanilang mga kandidato

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buhay na buhay nga ang oposisyon para kay Bise Presidente Leni Robredo. Nagsagawa ng event ang Oposisyon Koalisyon upang pormal na ipakilala ang kanilang mga Senatorial candidates. Ang kanilang slogan nga raw ay “Makinig. Matuto. Kumilos.”.

Nalaman ng KAMI na ang koalisyon ay binubuo ng Liberal Party members na sina Mar Roxas, Bam Aquino at Erin Tanada, kasama na rin sina Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, Maranao advocate Samira Gutoc-Tomawis, dating Solicitor General na si Florin Hilbay, lawyer na si Romulo Macalintal at human rights lawyer na si Chel Diokno.

Ayon sa report ng GMA News ay dumalo rin sa event si Robredo, dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, Sen. Antonio Trillanes at Sen. Risa Hontiveros.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila confident din naman si Robredo na mananalo ang walo nilang kandidato para sa Halalan 2019 dahil malinis ang track record ng mga ito.

“Marami pong nagsasabi na hindi madaling maging oposisyon ngayon, 'yung naglalakas-loob na magreklamo, tumuligsa... niyuyurakan, minamaliit, kinukulong,” giit ni Robredo.

"Sa kabila ng kahirapan, marami pa din ang naninindigan at lumalaban. Maraming nagsasabi tulog ang oposisyon pero buhay na buhay po ang oposisyon.

“’Yung ating ilalaban na walo, iba't-iba rin 'yung pinanggalingan... lahat po sila di matatawaran ‘yung kakahayan. Hindi po matatawaran ang kakayahan, hindi lang sa salita kung hindi sa pinakita nila na track record,” dagdag pa ni Robredo.

Nais din daw ni Robredo na huwag na muling gawin ng mga botante ang “pagkakamali” na nagawa noon.

“Ano ba 'yung mga dahilan kung bakit binoto natin 'yung mga kandidato noong 2016? Sana po ngayong 2019 kung may pagkakamali man tayong nagawa noong eleksyon 2016, panahon po ito para itama 'yung ating mali," sabi ni Robredo.

Ang tanong, nasaan na nga ang dilaw sa oposisyon ngayon? Noong nag-file ng certificate of candidacy ang mga senatorial aspirants sa Commission on Elections (Comelec) noon ay tila iba-iba na nga ang kulay ng mga oposisyon.

Naiulat nga ng KAMI noon na malimit na nakita ang kulay dilaw sa mga opposition candidates. Paliwanag naman ng President ng Liberal Party na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, nais lang nila ipakita na iba-iba ang pinagmulan ng kanilang mga kandidato pero iisa pa rin ang kanilang mga hangarin para sa bayan.

POPULAR: Read more news about VP Leni Robredo here!

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Kaano-Ano Ni Coco Martin SI Carmi Martin? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel