Magician daw? Netizen, binunyag ang video ng pandaraya di umano sa raffle ng kotse sa SM Bacoor

Magician daw? Netizen, binunyag ang video ng pandaraya di umano sa raffle ng kotse sa SM Bacoor

- Lakas loob na binahagi ng isang netizen kung paano raw ginawa ang pandaraya sa raffle ng kotse sa SM City Bacoor

- Sa video, mapapansin na tila may nauna nang binunot na ang lalaki at pasimpleng nilagay ito sa kabilang kamay

- Umabot na sa 1.4 million views ang naturang video na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng netizen na si Norman Sañez Ramirez kung saan isiniwalat niya ang pandaraya raw ng SM City Bacoor sa raffle nito.

Isang Brand New Suzuki Dzire ang maaring mapanalunan sa naturang raffle.

Ayon sa post, di raw intensyon ni Norman na manira ng iba at gusto lamang niyang ipakita ang katotohanan.

Mapapansin sa aktwal na pagbunot ng isang lalaki sa tambyolo, may nauna na siyang nakuha sa kaliwang papel na siyang pinalit niya sa totoong nabunot nito.

Dito pumasok ang akusasyong, maaring pinili na nila talaga ang nanalo at hindi ang kakabunot lang sa tambyolo.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang video na umabot na sa mahigit 1.5 million views dahil sa lantarang "magic" daw na ginawa ng taga-SM.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang reaksyon:

"Yes may dayaan nga nangyari. Dpat pagkakuha itataas un ticket. Tpos pagkagaling ng roleta ang bilis nya iniabot sa babae tpos un nsa kaliwang kamay ang kinuha then un galing sa kanan kinuha ng bahae at inilagay sa ilalim ng notebook. Very obvious nga ang dayaan tsk tsk tsk"
"Kasabwat namn talaga lahat...kasi lahat sila nagtakip at nagkumpulan pati emcee...pati ung isa kaliwa biglang lumapit...hindi nman sya kasama sa bunutan....halata masyado.. Tsk tsk"
"isang alamat na mandaraya.ang galing mung bumunot sa kabilang bulsa mu.cguro gf nya ang pinapanalo nya ng kotse.."
"Yung c kuya na kanan ang pinangkuha,pro yung kaliwang kmay nya ang my iniabot na papel sabay inilalim nmn ni ate girl yung papel n nabunot, mga manlloko!"
"Kasi nga nasa kay ate na yung winning ticket before pa may binunot. Kaya pag kaabot ng lalaki yung ticket na nabunot inipit niya agad yun sa ilalim ng notebook. Putik mga yun. Lahat kasabwat. Haha"
"Ambilis..salisi gang"
"Gaano kaya kabigat yung kapirasong papel at kailangan pang dalawang kamay ang gamitin sa pagabot ?? Dika pwedeng maging magician kuya"

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel