Dahil daw sa doktor? Sanggol, pumanaw nang makalunok ng buto ng manok
- Wala pang 24 oras nang bawian ng buhay ang sanggol na nakalunok daw ng buto ng manok
- Sinugod agad sa ospital ang bata ngunit pinayuhan itong obserbahan muna
- Nagpalipat lipat ng ospital ang sanggol hanggang sa bawian na ito ng buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Patuloy na iniimbistagahan ang nangyari sa isang sanggol na di umano'y nakalunok ng matulis na bagay na hinihinalang buto ng manok.
Sa ulat ng ABS-CBN news, sinugod agad ang sanggol na si Javan Lee nang mapansin na tila may naisubo ito at aksidentedng nalunok.
Ayon sa doktor, obserbahan daw muna ang baby at baka sakaling mailuwa niya ang nalunok kaya naman iniuwi na muna ang sanggol.
Kwento ng lola ni baby Javan, maaring buto ng manok daw ang nalunok ng apo.
Ngunit pagsapit ng alas-5 ng hapon, napansin nilang tila di na makahinga ang sanggol kaya binalik nila agad ito sa ospital.
Dalawang oras na naghintay ang mag-ina ngunit di nila narinig na sila ay tinawag kaya nakauwi na raw ang doktor.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Agad na nilipat ang bata sa ibang ospital kung saan agad din itong natingnan. Ngunit dahil dineklara na kritikal na ang lagay nito, pinalipat muli sila sa ibang ospital sa La Union.
X-ray ang unang ginawa sa bata at doon nakita na nakalunok iyo ng matulis na bagay. Ayon sa ina, maaring buto ng manok ito dahil sa tinola ang ulam na pinakain sa bata.
Sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang bata bandang alas- 3 ng madaling araw sa Laoag City.
Sa panayam sa unang doktor na tumingin si Allan Dela Cruz, inabisuhan naman daw niya ang ina ng bata ng ibalik agad sa ospital oras na mahirapan itong huminga.
Samantala, magsasagawa sila ng imbestigasyon ukol sa nangyari upang malaman kung may dapat bang managot sa insidente.
Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.
Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh