Babala sa mga magulang! 2-anyos na bata, nasawi dahil sa battery

Babala sa mga magulang! 2-anyos na bata, nasawi dahil sa battery

-Pumanaw ang isang 2-anyos na bata 2 araw matapos lamang ang pasko, ang dahilan ng pagkamatay nito ay dahil sa nalunok na battery

-Kwento ng lolo nito na siyang nag-aalaga dito, ilang araw nang masama ang pakiramdam ng bata at nakararanas ng lagnat

-Suspetya ng mga doktor, anim na araw na ang battery sa katawan ng bata bago ito naisugod sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw ang 2-anyos na si Brianna Florer dalawang araw lamang matapos ang pasko. Ayon sa mga doktor, maaaring ang ikinasawi nito ay ang bateryang nalunok nito.

Agad na isinugod sa ospital ang bata ng kanyang mga magulang matapos itong magsuka ng dugo at mamutla na ng todo. Sa x-ray, nakita ang isang maliit na bateryang bilog na mas maliit pa sa isang coin.

Agad naman itong inoperahan ngunit nasawi rin dahil sa hindi maampat na pagdurugo.

Ayon sa lolo ng biktima, sa isang article ng Mail Online;

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"They operated on her for 2 hours, but they couldn't stop the bleeding," anito. "They believed the battery ate through to her carotid artery by way of her esophagus."

Kwento pa nito, ilang araw nang masama ang pakiramdam ng bata at nakararanas ng lagnat.

Suspetya naman ng mga doktor, anim na araw na ang baterya sa loob ng katawan ng bata bago pa ito naisugod sa ospital.

Ayon sa article, sumailalim sa autopsy ang katawan ng bata upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito na tatagal umano ng ilang buwan.

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel