Kasambahay na laging nabu-bully, taas noong nakapagtapos bilang 'cumlaude'
- Binahagi ni Marlon Duco ang kwentong tagumpay ng kanyang buhay bilang mag-aaral
- Buhay na patunay daw na di hadlang ang kahirapan upang maabot ang iyong mga pangarap
- Bukod sa pagtatapos bilang 'cumlaude', best in thesis din ang gawa ni Marlon at 2nd place Best in technical research din siya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tunay na nakakabilib ang mga kwento ng tagumpay na ating naririnig lalo na kung ito ay patungkol sa pagbangon mula sa hirap o matinding dagok sa buhay.
Sa panahon kasi ngayon na tila ang iba ay depresyon ang nagiging resulta ng kawalang pag-asa sa buhay, nakatutuwang mayroon pa rin naman lumalaban ng patas at di sinusukuan ang kanilang mga pangarap.
Tulad na lamang ni Marlon Duco naaminado mula sa mahirap na pamilya. Muntik na siyang mapahinto sa pag-aaral ngunit dahil sa matinding determinasyon, nagawa niyang maigapang ang kanyang edukasyon. Para kasi sa kanya, ito na ang mabisang sandata sa lahat ng mga bully o nanghahamak sa kanya at napatunayan naman niya ito.
Narito ang kabuuan ng salaysay ng nakaka-inspire na buhay ni Marlon na binahagi sa KAMI:
"This is the story of my life. Bata palang ako, naipamukha na sa akin ang pagiging mahirap. Kami ay nabibilang sa mahihirap na pamilya, walang madaming pera, walang magandang bahay, at walang sariling lupa. Pitong taong gulang ako noon ng matuto ako sa mga gawaing bukid kaya alam ko yung hirap at halaga ng bawat pawis na tutulo sa mga magulang ko, kaya alam ko ang bawag sakripisyo nila sa akin. Gaya ng ilan sa atin meron din akong mga pangarap sa buhay, nagsimula akong mangarap, masaktan, lumaban at tumayo sa aking sarili.
When i was in high school, hindi na nila ako pag aralin pa. Napagdesisyonan nila na wag na ako pag aralin at sasama nalang ako sa kanila sa bukid upang magsaka. Sabi ng nanay ko "Hindi ka muna mag aaral kase wala tayong pera, wala din naman patutunguhan ang buhay mo kundi sa bukid lang", sabi ko naman "Gustong gusto ko po mag aral nay para naman po kahit papaano ako mag-aahon sa buhay natin". That time hindi na talaga ako mag aaral hanggang sa may tumulong sa akin na makapag aral ng tuloy, pumasok ako sa simbahang katoliko, naging scholar ako ng Jikke Geertruida Scholarship Foundation ng apat na taon (taga linis ako ng kombento, church, cr at bahay ng pari) at naging altar server ng anim na taon. Andami kong hirap when i was in high school minsan binubully ako na ang panget kong tao, bakit pa daw ako nag aaral e wala kaming pera at wala daw akong mararating sa buhay hindi ako nagpadala sa mga taong yun at mas lalo akong nagsumikap sa pag aaral, luckily, i graduated as 6th honorable mention in Burgos National High School.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Nung kakagraduate ko ng high school pumasok ako agad sa trabaho bilang taga-linis at taga tinda sa pwesto ni Dra. Maricel Salamida para matustusan ko ang aking pag aaral ng kolehiyo pero hindi sapat ang aking naipon para sa aking pag aaral. Sa pag pasok ko ng college, sa awa ng Diyos nakapag enroll ako ng ako lang, nagpatuloy ako sa aking pag aaral namasukan ako bilang isang kasamabahay, opo naging isang kasambahay po ako and im proud to say it dahil nasusuportahan ko ang aking pag aaral. 300 pesos in a week ang aking allowance nung first year college ako sa tingin mo kakasya ba in 1week? Sa akin kakasya: 120 transporation back 'n fort, 50 noodles, 50 for photocopy, research and load, and the rest inuuwi ko sa bahay at binibili ko ng ulam namin, ganyan po ako katipid sa sarili ko dahil gustong gusto ko po talaga mag aaral kaya ko pong tiisin lahat lahat basta makamit ko lang po ang mga pangarap ko. Ako nga po si Marlon Duco taga hugas, taga walis, taga salok ng tubig, taga plantsa ng mga damit, taga linis ng cr, taga luto ng pagkain ng amo, taga palengke and finally graduate na din hindi bilang isang katulong kundi bilang isang Degree holder.
Sa kabila lahat ng paghihirap ko sa buhay nanatili akong matapang sa sarili lahat susuungin ko makapagtapos lang ako ng pag-aaral. Sa mga magulang ko sila po yung naging inspirasyon ko kung bakit ko ginagalingan sa pag-aaral at higit sa lahat kung bakit ako nangangarap.
I' AM MARLON LACUESTA DUCO "PROUD CUMLAUDE" PROUD KASAMBAHAY."
Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.
Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI YOutube channel
Source: KAMI.com.gh