Toni Gonzaga, nahiya nang hawakan ni Regine Velasquez

Toni Gonzaga, nahiya nang hawakan ni Regine Velasquez

- Nagtrending nga sa social media ang fan meets the idol moment nina Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga at Asia's Songbird Regine Velasquez

- Hindi lingid sa kaalaman ng marami, na dati ng nabanggit ni Romantic-Comedy Queen na iniidolo niya ang multi-awarded Queen sa kantahan noon pa man

- Kaya naman nang nakatabi niya si Regine at hinawakan siya nito ay tila nahihiya pa ang Best Female TV host sa Idol Philippines judge, na talagang kinakiligan ng mga netizens online

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kahit sa estado at kasikatan na ng ating mga paboritong mga artista ay sa likod ng kanilang kumikinang na bituin at pangalan, isa rin silang dakilang fan sa kani-kanilang mga paboritong iniidolo, na kikiligin at mahihiya pagnapansin at nakatabi na ito, at ito nga ang nangyari kay Toni Gonzaga nang hawakan at pansinin siya ng kanyang iniidolo na si Regine Velasquez.

Spotted ng KAMI ang pinag-uusapan na video sa social media na binahagi ng mga tagahanga nina Toni at Alex Gonzaga, na may username na @tgsagsswarrioretez.

Ani pa sa naturang video repost:

"Nahihiya po siya kay queen #reginevelasquez haha #Tonigonzaga iba talaga kapag kaharap mo na idol mo hihi #asapinsydney #asapliveinsydney #asap ctto jeppyparaiso yt channel"

Pati ang mga fans kinilig at feeling happy rin sa nakitang fan met the idol moment nina Ultimate Multimedia Superstar at Asia's Songbird.

"Awhh.. Cute ni Ms. Toni."
"kinilig ako para sa ate @celestinegonzaga"
"Ang cute ni Ate Tin!! Kilig!!! "
"Ang cute mahiya ni toni, hehe"
"Kapag katabi mo lang idol mo!! Super cute Ate Tin!!! Hahaha kakilig! #ToniGonzaga #RegineVelasquez"

"Ang cute ni Toni!! Ganyan talaga minsan yung feeling eh kapag nahihiya ka sa isang tao."
"Kilig nman katrabaho na ni tin idol nya "
"Ate Tin is like us, kapag napansin ni IDOL"

Una ng gumawa si Toni ng Instagram video story, at dito ay binahagi niya ang kanyang larawan katabi ang kanyang idol na si Regine at nagcaption pa ng "The best ASAP ever."

Si Toni Gonzaga ay galing sa Kapuso network rin kung saan nanggaling si Regine Velasquez.

Simula noong siya ay lumipat, naging mas kilala at sumikat ng husto ang actress-concert performer-endorser-host-singer, at tumanggap na ng maraming awards sa lahat ng media sa industriya kaya nga tinagurian siya bilang ang Ultimate Multimedia Star hanggang naging Ultimate Multimedia Superstar.

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel