Lalaki, nasawi matapos na iligtas ang anak na nakukuryente sa swimming pool

Lalaki, nasawi matapos na iligtas ang anak na nakukuryente sa swimming pool

-Nasawi dahil sa pagkakuryente ang isang amang iniligtas ang kanyang anak na naunang nakuryente sa isang swimming pool

-Samantalang ang anak na babae nito ay nasa kritikal na kalagayan naman

-Lima pang biktima, kasama ang 4 na bata ang nakuryente rin ngunit hindi naman malala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isa sanang masayang event nagtapos ang buhay ni Jim Tramel na nagligtas lamang sa kanyang anak.

Ayon sa isang article ng PEOPLE, pinapanood lamang ni Tramel ang anak na babae na lumalangoy kasama ang iba pa nang bigla na lamang may faulty wiring ang napunta sa pool.

Nang makita ni Tramel ito ay agad itong tumalon upang sagipin ang anak. Ngunit maging ito ay nakuryente na rin.

Kinailangan pang iahon ng mga tao sa event ang mag-ama at binigyan ng CPR nang dumating ang mga pulis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dinala ang mga ito sa ospital ngunit agad na binawian ng buhay si Tramel samantalang nalagay sa kritikal na kondisyon ang batang babae.

Lima pang katao, kabilang na ang apat na bata ang naging biktima ng insidenteng ito ngunit hindi naman umano kasing lala ng nangyari sa mag-ama.

Inalala naman ng pamilya, kaibigan at mga kakilala si Tramel.

“He was really nice, good to the kids, always see him jumping on the trampoline back here," ayon sa nitong kapit-bahay.

Lalaki, nasawi matapos na iligtas ang anak na nakukuryente sa swimming pool

Photo source: PEOPLE
Source: Facebook

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! We’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel