Pamilya ng OFW na bangkay nang umuwi, nanawagan ng tulong

Pamilya ng OFW na bangkay nang umuwi, nanawagan ng tulong

-Puno ng hinagpis ang pamilya ng pumanaw na OFW sa Saudi Arabia na si Ruel Ibona Daguay

-Pauwi na raw sana ito at naka-empake na ang mga gamit ng bawian ito ng buhay sa banyagnag bayan na pinagsilbihan nito

-Ngunit hindi pa dito natapos ang problema, dahil ang pera na inaasahan ng pamilya nito ay hindi pa nila makuha kahit pa mahigit 2 buwan na ang lumipas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Doble ang pasakit na nararanasan ng pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Ruel Ibona Daguay na pumanaw noong August 5, 2018 sa Saudi Arabia.

Bukod kasi sa pagpanaw ng haligi ng tahanan na siya lamang kumakayod sa pamilya, dagdag pahirap pa ang mga benepisyong hindi pa rin nila nakukuha.

Bukod rito, bago magpasyang umuwi si Daguay, tatlong buwan na itong hindi pinapasahod ng kompanyang pinapasukan, na madalas umanong mangyari dito.

Kaya naman, matagal na daw nais na mag-exit nito na iniipit naman ng kompanyang pinapasukan at pinapangakuan na makakauwi rin daw ito.

Nagkasakit na rin umano si Daguay, nadudumi pa sa pantalon ngunit hindi pa rin nakauwi hanggang sa nitong pauwi na sana ito.

Hindi pa natapos dito ang problema ng pamilya, maging ang benepisyong naging kapalit ng buhay ni Daguay ay hindi pa rin nila makuha.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa anak nito, na siyang nagpost sa facebook, hindi umano nila maasahang ang DFA CDO. At nang tumawag daw sila sa Saudi Embassy, ayon sa mga ito, 2 liggo mula pag dating ng katawan ni Daguay nasa Pilipinas na umano ang inaasahan nilang pera.

Hanggang sa ksalukuyan ay hindi pa nila nakukuha ang nararapat sa kanila, na pinagpaguran ng kanilang ama, mahigit 2 buwan na ang nakararaan.

Kaya naman humihingi ng tulong ang buong pamilya ng namayapang OFW.

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! We’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis na gigil na gigil, pinagtawanan pa ng mister na palikero

Misis na gigil na gigil, pinagtawanan pa ng mister na palikero

Mister na babaero, pinagtawanan pa ang naghihinagpis na misis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel