Grab driver, inakusahang "manyak" nang muntik nang di iuwi ang isang pasahero

Grab driver, inakusahang "manyak" nang muntik nang di iuwi ang isang pasahero

- Ban ang isang Gra driver nang maailang beses na nitong magtangkang dalhin sa ibang lugar ang pasahero niyang babae

- Naglabasan ang mga nabiktima nito na inakusahan siyang "manyak"

- Agad na nag-viral ang tweet na mabilis na naipakalat para na rin balaan ang mga tumatangkilik sa Grab

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di lang daw isang beses kundi maka-ilang babae na pala ang naayang "kumain" ng Grab driver na kinilalang si Bernardo Mendoza Arago.

Ayon sa kumalat na tweet, nilampasan daw ng driver ang bahay ng babaeng kanyang pasahero at inaaya nitong kumain sa labas.

Dala ng takot, nagtext na ang sa kaibigan niya ang pasahero ng nasabing driver na habang tumatagal ay may bahid na ng kahalayan ang sinasabi.

Di man diretsang tinumbok sa usapan ngunit tila inaaya pa raw ng tsuper ang babaeng sakay nito na magpunta sila sa motel.

Pinakita ng kaibigan ng muntik nang mabiktima ang mga screenshot ng pagsusumbong nito sa kanya habang lunan pa siya ng Grab.

Nagmakaawa raw talaga ang pasahero na iuwi na lamang siya. Ngunit ang labis niyang kinatatakot ay baka siya balikan nito at alam na ng driver ang bahay nila.

Kaya naman di sila nagdalawang isip na ibahagi sa social media ang larawan at impormasyon ng driver upang paalalahanan ang madla sa ginawa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinarating nila ang insidente Grab Philippines at agad naman itong rumesponde. Ang Grab pa mismo ang nagbigay suhestyon na magsampa ng reklamo laban sa naturang driver.

Samantala, dahil sa katapangan na pinakita ng magkaibigan, naglabasan ang ilang netizens na may parehong karanasan sa Grab.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Relative of Las Piñas Mayor caught bullying scared couple with 2-year-old child

Relative of Las Piñas Mayor caught bullying scared couple with 2-year-old child

Kamag-anak ni Mayor, nang-bully sa mag-asawang kasama ang maliit na anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel