Yayamanin na! Original Sexbomb dancer na si Mia Pangyarihan, may-ari na ng dalawang restaurant

Yayamanin na! Original Sexbomb dancer na si Mia Pangyarihan, may-ari na ng dalawang restaurant

- Dalawa na ang restaurant ng Original Sexbomb dancer na si Mia Pangyarihan

- Nag- grand opening kamakailan ng kanyang pangalawang restaurant si Mia

- Hindi naman siya kinakalimutan ng dating mga kasamahan na sexbom dancers at lagi siyang sinusuportahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawa na ang Japanese at Korean fusion restaurant ni Mia Pangyarihan, ang Yoshimeatsu.

Ayon kay Mia, nakuha niya ang inspiration sa kanyang negosyo mula sa kanyang pagkakahilig sa Korean barbecue restaurants na patok na patok ngayon.

“Naisip ko itong business ko early this year, parang nauso kasi diba ang mga Korean restaurant? Tapos every other day, lagi akong nasa Korean restaurants. Tapos naisip ko lang na, ‘parang gusto ko magtayo ng ganito,” saad ng dating Sexbomb dancer.

Ayon pa sa dancer, napapansin niya na talagang pinipilihan ang mga Korean barbecue restaurants.

“Kasi nakikita ko ‘yung pila, ‘yung pasensya ng tao na maghintay nang mahabang oras, at isa din ako sa mga nakikipila doon.”

Sa ulat ng PUSH, ibinahagi ni Mia kung paanong nakatulong ang disiplina bilang isang sexbomb dancer sa kanyang pag ma-manage sa dalawang restaurants.

“Ang maganda lang sa ’kin dito, parang yung disiplina ko noon sa pagsasayaw, na-adapt ko na din dito, parang pwede ko pala i-apply ang mga naging disiplina ko noon sa pagsasayaw,” paliwanag pa niya.

Kahit stressed ay na eenjoy daw niya ang kanyang bagong journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Sobra akong nag-eenjoy sa bagong journey na ito sa buhay ko yung stress, na eenjoy ko ‘yung pagod, siguro nga kasi bago siya sakin lahat,” said Pangyarihan.

Hindi pa rin daw siya nakakalimutang suportahan ng mga dating kasamahan.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel