Mocha Uson, nagsalita sa naging viral video ni Aga Muhlach ukol kay Trillanes

Mocha Uson, nagsalita sa naging viral video ni Aga Muhlach ukol kay Trillanes

- May opinion naman si Mocha Uson sa video ni Aga Muhlach kung saan nagtanong siya kay Sen. Antonio Trillanes

- Tila nagustuhan naman ni Uson ang naging komento ni Muhlach kay Trillanes

- Support naman ni Uson sa bagong movie ni Muhlach at Bea Alonzo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkomento si dating Presidential Assistant Secretary Mocha Uson sa naging komento ng aktor na si Aga Muhlach tungkol kay Senator Antonio Trillanes sa late night comedy show ng ABS-CBN na Gandang Gabi Vice (GGV) noong October 14.

Sa isang Facebook post, suportado naman ni Uson ang pelikula ni Muhlach na “First Love”. May mga tao raw kasi na gustong i-boycott ang movie nila Muhlach.

“Kaya ako po ay nananawagan na suportahan natin ang pelikula nila ni AGA MUHLACH. Dahil para sa akin maganda ang kanyang sinabi na tulungan nalang natin ang ating gobyerno,” giit ni Uson.

Naging viral nga ang video ng “First Love” stars na si Aga Muhlach at Bea Alonzo noong nag-guest sila sa late night comedy show ng ABS-CBN na Gandang Gabi Vice (GGV) noong October 14.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang isang deleted scene mula sa segment ng show na “Tanong Mo, Mukha Mo” kung saan dapat magtatanong ang mga guest sa picture na ipapakita sa screen. Nang lumabas ang picture ni Senator Trillanes, sabi ni Muhlach, “Nakakapagod na”.

“Bakit ba? Ano bang gusto mo mangyari?” dagdag pa ni Muhclach.

“Di pa po ba kayo pagod?” tanong naman ni Alonzo.

Giit naman ni Muhlach, sana raw ay tumulong na lang si Trillanes kaysa siraan si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kahit sinong presidente umuupo, sinisiraan. Eto, ginagawa naman ng presidente natin nakaupo ngayon ang ginagawa niya. Maraming hindi masaya sa kanya, pero punto ko ‘yung mga nakapuwesto rin, tumulong na lang kayo sana,” sabi ni Muhlach.

Naiulat naman ng KAMI ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging viral video. May mga sang-ayon sa komento ni Muhlach at may nagsabi rin na pro-Dutere raw si Muhlach. Samantala, nareport din ng KAMI ang pagtakbo ni Uson bilang representative ng Kasosyo party-list.

POPULAR: Read more news about Mocha Uson here!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel